CHAPTER 27

96 5 0
                                    

ZIVON'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZIVON'S POV

Pagtatapos ng huling buwan ng pasukan na siyang akin talagang inaantay at kinapapanabikan katulad ng karamihan .

"Anong plano natin ngayon sa bakasyon ? . " pagtatanong ni Thurstan na siyang pinaka huling dumating kasama si Darcell na nakangiti ng malaki agad sa amin ng maka pasok sa loon ng tambayan .

Nanadito kami ngayon lahat upang mapag usapan ang magiging bakasyon na amin napag usapan bago pa matapos ang huling buwan ng pasukan .

"Hindi tayo nagka sama sama ng nakaraan dahil abala si Marick sa kung saan habang si Thurstan naman ay napilayan . " sambit ng kapatid ko habang pinag sisilbihan ng bagong bukas na inuming naka lata ang kasintahan .

"Mas maganda siguro kung mag pang dagat tayo ? . " suhestyon ni Darcell na ikinataas ko na lang ng kilay .

Naka upo ito sa tabi ni Thurstan at talagang nakaka pag taka ang laki ng ngiti sa kanyang mukha habang ang katabi ay animo wala itong balak sawayin o pigilan katulad ng nakasanayan namin .

Wala naman talaga sa plano na isama si Darcell sa aming magiging bakasyon pero dahil nalaman nito ang naging usapin kay Nixon ay nakisali na din ito na kahit isa man sa amin ay walang naging pag tutol .

Hindi ko siya kaaway at mas lalong hindi ko siya kaibigan . Ayaw ko lang talaga sa mga taong kahit mag mukhang tanga na ay pinagpipilitan parin ang sarili sa isang tao na halatang hindi naman sila magugustuhan. 

"Masaya iyan ! Bikini ! Makakakita na naman ako ng naka bikini ! . " hiyaw at palakpak ni Nixon na mabilis na tumayo at pumalakpak mula sa pagkakaupo at paglalaro ng video games .

"Tss , Pinapairal mo na naman ang kamanyakan mo . Pakiramdam ko hindi iyon magiging magandang ideya lalo na at kasama ka ! . " seryoso at pag tutol ni Marick na prenteng naka dikwarto sa aking tabi at hinihimas ang baba gamit ang kamay ng aking mabilis na sinulyapan ng mag pabatid ito ng pag tutol .

"Nag salita ? Ehh isa ka pa ? Gustong gusto mo naman ! . " asik ko dito at itinirik ang aking nga mata at pina ekis ang kamay sa aking harapan at mas isinandal ang sarili sa likod ng upuan .

"Tss , Ano na naman ? . " turo nito sa sarili habang naka ngisi .

Nilukot ko ang aking ilong at mabilis na binawi ang tingin ko dito .

Akala ba nito nakaka gwapo ang pag ngisi ngisi nito ? Hindi ! Mukha siyang kwago ! .

Maang - maangan , Iyan ang gingawa niya ngayon . Akala nito siguro ay nakalinutan ko na ang pag luwa ng mga mata nito ng nakaraan na bakasyon ng una at huling beses na nakasama namin ito sa Romblon .

Lumuwa ang mga mata nito sa mga babaeng nakita nito na naka swim suit kaya wag umakto ngayon ito na animo napaka konserbatibo pag dating sa aming mga babae dahil katulad ni Nixon ay manyakis din .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon