CHAPTER 62

77 4 0
                                    

"Canim galit ba ang Mama mo sa 'tin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Canim galit ba ang Mama mo sa 'tin? ." Pagpapalipad hangin ni Thurstan habang kalong ang alagang pusa.

Hindi naman ako umimik at inabala ang sarili sa panonood sa malaking screen .

Matapos kong mauna at iwanan ito kanina ay ilang minuto lang ay sinundan niya din ako dito nga.

"Galit nga siguro hindi ako iniimik. " malungkot na pahayag nito sabay baling ng ulo sa akin.

Marahan na lumingon ako dito matapos mabilis na umusog ito sa akin hawak parin ang kalong na pusa na walang malay kung tutuusin.

"Bakit naman ako magagalit? . " malamig na tugon ko sa kanya at tinitigan ng diretso ang mga mata niya upang hindi na siya mag isip ng kung ano pa o makahalata.

"Sabi mo kasi hihintayin mo ako hanggang matapos kaming mag usap ni Darcell. " paninimula nito habang tinatantya ang ekspresyon ng mukha ko na hindi niya mabasa.

"Bigla na lang umalis ka? Hindi ba't sinabi ko na ihahatid natin siya? ." Marahan na pagpapaliwanag nito na mas inayos pa ang upo .

Lumunok ako bago mag salita habang iniisip ang pwede kong sabihin sa kanya na ikakawala ng kanyang pagtataka at baka mas lumalim pa ang patatanong niya sa bigla kong pag alis at pag uwi nga.

"Hindi ba sinabi ko din na mag usap kayong dalawa? Matagal naman kayong mag kaibigan na dalawa kaya naisip kong iwan ko muna kayo at dito ay umuwi na. " pagpapaliwanag ko habang titig na titig parin siya sa akin na animo may gustong makita o mabasa sa akin.

"Thurstan baka hindi siya kumportable na mag bukas ng problema niya sayo kung kasama ako hindi ba? . " pinal na sagot ko na medyo may kapaguran sa diklerasyon.

"Ohh sorry na. " paglalambing nito bigla matapos bitawan ang pusa at lumayo na sa amin ng kusa.

Mas umusog ito palapit at ng hindi makuntento ay hinila ako para yakapin.

"Akala ko kasi galit ka ? Simula kasi umuwi ako kanina hindi mo ako tinititigan sa mata. " anito matapos akong yakapin habang ako naman ay natulala nalang sa inakto nito.

"Wag kang mag isip ng kung ano. Naiintindihan ko kung ano man ang meron sa inyo ni Darcell. " malamig na sagot ko at iyon ang naging dahilan para dahan dahan na lumayo siya sa akin para ako ay muling matitigan.

"Linnea. " tawag niya sa akin habang matapang ko namang sinalubong ang mga mata niya.

"Mula noon hanggang ngayon magkakilala naman kayo talaga. Magkakaibigan tayo hindi ba? At sa pagkakatanda ko gustong gusto ka niya noon pa. " walang gatol kong pahayag na huli na para mabawi ko dahil dahan dahan na kinagat niya ang pang ibabang labi at animo natutuwa sa aking sinabi.

"Gusto niya ako noon , Hindi na ngayon. Ikaw mahal kita simula noon at hanggang ngayon. " anito na nagpa Iwas ng tingin sa akin sa kanya at bumaling nalang sa ibang direksyon.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon