CHAPTER 49

85 4 0
                                    

Mabilis ang mga naging hakbang at pag kilos ko makalayo lang talaga sa kanya ng husto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis ang mga naging hakbang at pag kilos ko makalayo lang talaga sa kanya ng husto .

Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga .

Pakiramdam ko hindi ito kapani paniwala .

Si Thurstan ? Ugh !

Pinindot ko ang buton ng elevator para ito ay mag bukas na at ako ay maka baba .

Bawat segundo na nag daraan sa aking pag hihintay ay pinipilt ko ang pag kalma sa banayad na pag hinga .

"Linnea ! . " narinig kong tawag nito sa aking gawing likuran .

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at taimtim na nag dasal bigla na bumukas na ang elevator at ako ay kainin na .

Animo agad na dininig ang dasal ko at ng napag buksan na ako ng elevator ay agad ako doon ay pumasok at mabilis na pinindot ang buton para iyon ay mag sara at ako ay tuluyan ng maibaba ng gusaling ito nga .

"Linnea ! Sandali lang ! . " animo wala akong naririnig sa pag habol nito sa akin .

Tahip ang aking kaba na nadama sa aking puso ng mag angat ako ng tingin para lang makita siya na tumatakbo ng matulin para lang ako ay maabutan at habulin .

Sa maliit na espasyo ng papasarang pinto ng elevator nakita ko kung paano ito na wala sa paningin ko habang pinipilit na maabutan nga ako .

Animo doon lang ako naka hinga ng maluwang .

Sa pag pikit ko muli ng mariin sa aking mata isang mukha at imahe lang ang aking nakita .

At iyon ay si Ziven lang at wala ng iba .

Lalo tuloy akong naging pursigido na layuan at wag munang kausapin si Thurstan sa mga susunod na araw o pagkakaton .

"Galing si Thurstan kanina dito ? Nag kita ba kayo ng batang iyon ? Napaka saya ng kanyang mukha ng mapag buksan ko nga . " nangingiting salubong ni Yaya Dahlia sa akin ng ako ay maka uwi .

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at sandaling tinitigan ang pusa na bigay ng taong tinutukoy niya na naka gawian ng ako ay sasalubungin ng lambing katulad ngayon nga .

"Iba ang kinang ng kanyang mga mata kung nababasa mo lang sana ang nakikita ko sa kanya . " pagpapatuloy nito na mas pinagaan ang boses na animo may sakin ay gustong ipahiwatig .

Mula sa aking pagkakayuko sa pusa ay dahan dahan na yumuko na ako dahil hindi ko matiis na hindi ito kargahin at dalhin sa aking bisig .

"Yaya Dahlia . " sambit ko na lang sa hapong tono .

Iilang beses ko na bang narinig ito mula sa kanya ? Iilang beses din ba na hindi ako kumibo at nag walang bahala .

"Alam ko na wala akong karapatan na mang himasok sa personal na buhay mo lalo na kung sa ganitong bagay at puso ang pinag uusapan . " anito na siyang naging dahilan para bumaling ako saglit dito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon