CHAPTER 7

129 7 0
                                    

Pagpasok at pag bukas ko ng pinto ng silid , Ang lahat ay natigil at na tahimik ng ako ay sabay sabay na sulyapin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok at pag bukas ko ng pinto ng silid , Ang lahat ay natigil at na tahimik ng ako ay sabay sabay na sulyapin .

"Anong oras na bakit ngayon ka lang ? Hindi ka pa pumasok kanina ? Ang galing lang ? . " sarkamong sita ni Mr. Cassivelaunus na biglang tumayo sa pagkakaupo at marahas na ibinagsak ang makapal na hawak na libro .

"May inasikaso at dinaanan lang Sir , May nangyari din na aberya sa ibaba kaya ganito ako oras naka pasok na . " ayoko ang sa lahat ang mag paliwanag pero sa pagkakataon na ito ay wala na akong pag pipilian pa .

"At ano naman ang mga iyon ? . " nag iintriga na tanong nito bago ako humakbang palapit dito para daanan ito at ma upo .

"Personal . " tipid na sagot ko at ayoko ng masyadong isipin pa ang mga iyon dahil sasabog na ata ang ulo ko kung pag papatuloy ko pang intindihin  iyon .

Marahas na napa buntong hininga ito ng lagpasan ko na ito at ako ay umupo sa tabi ni August na pa simple pa akong kinindatan na animo may ginawa akong maganda para ito ay magka ganon .

"Lahat nag pa labunutan na , alangan ulitin pa natin hindi ba ? Ayoko nga ! Kaya ang natitirang papel na naririto ang magiging gawain at takdang aralin mo ! . " napa baling ulit ako kay Mr. Cassivelaunus na animo katulad ko ay hindi rin maganda ang araw ngayon .

"Gawin niyo po kung ano ang gusto niyo at ang makaka pag pasaya sa inyo para humupa lang ang galit niyo ."  dahan dahan akong tumango habang nangiti at nag dilim naman ang mukha nito na animo gusto akong sigawan ngunit kanya lang na pinipigilan .

"Ahhhhhhhh ! Sumasakit ang ulo ko sa inyo ! Sayo ! Sayo ! Sayo ! Ang titigas ng mga bungo ninyo ! . " marahan na sinuklay nito ang ilang hibla ng buhok sa bunbunan na akin pang ikinabahala at baka iyon ay tuluyan pang malaglag sa pananalig na pag kapit pa .

"Ito na naman tayo . " pabulong na sambit ni Maven at nayuko habang nagkakamot ng sentido .

"Sabibin niyo na lang kung ano ang gusto niyong gawin ko , Para matapos na po tayo . " magalang naman ang paraan ng aking pahayag pero ito talaga ay nag dadala ng kakaibang init ng ulo na taong nag aalburuto sa aming harapan  .

"Lahat may aktibidad na gagawin at pamumunuhan na ! Ikaw na lang ang tanging wala at natira ! Kaya dahil sa pag ka pasaway mo ay ikaw na ang bahala na sumipot at maging hurado sa kumpitisyon na ako sana mismo ang dadalo !  . " napapikit ako ng marahan at bahagya na lang na tumango tango .

"Wala naman pong problema at wala din akong reklamo . Pero nakaktaka lang na trabaho niyo ata iyon at labas na ako ? . " naisating ko na lang na ikina buntong hininga din ng aking mga kasama .

"Katulad na lang ng kanyang ipinagawa sa aming pito . Kami bigla animo ang namahala sa aktibidad ng buong eskwela  . " pahayag ni Huxly na bahagya pang nag dikwatro at umayos ng upo .

"Wag na kayong marami pang tanong dahil ang lahat ng gusto ko ang masusunod at iyon lang ang tangi ninyong maaambag para sa eskwela na ito na lagi naman ninyong hatid ay sakit ng ulo ! . " ibinagsak nito ang makapal na libro sa tabi niyang lamesa , Maliban kay August ay wala man lang nagulat para mapa pikit mata .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon