CHAPTER 23

94 5 0
                                    

Pag pasok namin sa looban ay pawang mga tinginan ng iilan ang aming natanggap ni Ziven habang labis ang panunukso sa nakapintang ngiti sa mga labi ng karamihan habang nakatingin sa kamay ko na naka dantay sa braso niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag pasok namin sa looban ay pawang mga tinginan ng iilan ang aming natanggap ni Ziven habang labis ang panunukso sa nakapintang ngiti sa mga labi ng karamihan habang nakatingin sa kamay ko na naka dantay sa braso niya .

"Tinitigan ka nila , Dahil napa kaganda mo talaga higit sa kanino man . " masuyong bulong at marahan na baling nito sa akin habang ang mukha ay naaninagan ng mapusyaw na liwanag na nanggagaling sa mga nagkalat na maliit na ilaw .

"Baka nakatingin sila dahil siguro ang nilalaman ng isip nila ay napa ka swerte ko dahil napaka gwapo ng aking kasama . " tinagilid ko ang aking ulo para bahagyang makita ang kakisigan nito na siyang nag payuko at nagpatawa ng bahagya dito .

"Maupo na kayo dito , Mamaya na yang harutan niyo ! . " tawag pansin sa amin ni Nixon na nag hila pa ng upuan para sa kasama nitong babae .

Nagkibit balikat na lang si Ziven at nag simula na kaming humakbang sa bilugan na lamesa na nakalaan para sa amin talaga .

"Si Grace pala date ko ngayon para hindi naman ako mag mukhang tanga kapag kasama ko kaya na may kanya kanyang mga kapareha . " nagmamalaking pakilala ni Nixon sa kasama .

Pinag hila naman ako ng upuan ni Ziven at umupo sa tabi ko habang nakatingin naman sa amin si Zivon na katabi ng nakangusong si Marick kay Nixon .

"Ang lakas ng dating niyo habang mag kasama ngayon na dalawa . " papuri ni Zivon .

Nagkatinginan kami ni Ziven at nagkangitian lang at wala sa amin ang nag salita ng kung ano pa man na animo kami ay may unawaan sa pamamagitan lang ng sulyap at ngitian .

"Ako naman ang kapareha ngayon ni Thurstan ! . "Biglang dumating si Darcell at mabilis na nag tulak ng sariling upuan para madikitan si Thurstan na abala pa kaninang lumilingon lingon sa kapaligiran .

"Wala akong balak Darcell kaya pwede ba tantanan mo ako kahit ngayong gabi lang . " nilingon ni Thurstan ang bagong dating at hindi alintana ang salubong na kilay nito bagkus ay matamis parin ang ngiti. 

"Hindi pwede , Ako ang mag uuwi ng Queen of the Night  kaya dapat ikaw ang makasama at maka pareha ko para makuha natin ang titolo para sa gabing ito . " kumpyansang saad nito na ikina buntong hininga ni Thurstan at natahimik na lang sa upuan bago muling balingan ang nasa kapaligiran .

"Magkasundo na kayo kahit ngayon lang . "Panunukso ni Marick sa kaharap bago sulyapan ang katabi na si Zivon na bumabaling bing din sa ibang gawi at animo may hinahanap .

"May hinahanap ka ? ."bulong ko saglit dito ng mapag tanto ko .

"Wala naman , nagagandahan lang talaga ako sa kapaligiran . " mabilis na umiling iling pa ito at ngumiti na may kasiguraduhan .

Hindi nag tagal ay nag simula ng mapuno ang lugar ng mga estudynate na dumalo din sa kaganapan .

Nang matapos ang programa na inihanda at isinaulo naming lahat ay siya ng pag kanya kanya ng aming mga kasama para makipag sayaw sa mga kapareha .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon