EPILOGUE

196 6 2
                                    

THURSTAN'S POV


Bahagya akong napahinto sa paglalakad ng aking matanaw si Linnea na nag aabang ng magiging sundo at naka silong .

Napangiti ako at para bang pakiramdam ay  sinuswerte ang araw ko .

Nakatalikod ito sa akin ngayon at ng makita kong kumilos siya upang ilagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo para suuingin ang masungit na panahon ay agad akong kumilos.

Inayos ko ang sumbrero ko at isinunod na itinakip ang wood kasabay ng pag bukas ng dalang payong upang agad na takbuhin at sundan ito at ng maabutan ay pinayungan ko .

"Hindi Porke maganda at matalino ka at nasa espesyal na seksyon pa ay hindi ka na maaring tablan ng sakit hindi ba ? . " usal ko na naramdaman kong nagulat pa ito sa biglang pag sulpot .

"At hindi rin ibig sabihin na pinayungan mo ako ngayon ay pwede mo na akong kausapin na para bang ang tagal na nating kilala ang isa't isa hindi ba ? . " pagtataray niya sa akin na ikinagisi at ikinakagat ng labi ko na iyon lang siguro ang maaari niyng makita dahil kalahati ng aking mukha ay nakatakip ng anino ng sumbrero at suot na wood .

Imbes na sumagot ako ay inakbayan ko siya upang mabilis na iabot at ipasa sa kanya ang sarili kong payong wag lang siya na mabasa .

Kaya naman hanggang sa pag uwi at pag higa ko sa sarili kong kama matapos makaligo ay siya ang laman ng aking kaisipan. 

"Sinclaire Linnea Quijano . " bigkas ko ng buo sa kanyang pangalan .

Maaaring hindi niya ako kilala kung nagkataon na magkita at magkasalubong kami sa eskwela pero ako kahit siguro nasa malayo at nakatalikod siya katulad kanina ay makikilala ko parin siya .

Ewan ko ba hindi ako ang tipo ng lalake na walang karanasan sa babae pero pag dating sa ideya na magpakilala at dumiskarte sa kanya ay para bang naduduwag na ako kahit wala pa akong ginagawa .

Hindi siya ang tipo kong babae kung tutuusin pero isa din pala ako sa mga baliw na lalaking magkakagusto sa kanya dahil sa matinding atraksyon na naibibigay niya kahit pa mukhang walang pag asa ang sino man sa kanya dahil napakasungit niya nga daw talaga na palagi kong aksidenteng  naririnig tuwing napag uusapan siya .

Kaya naman hindi ko alam kung paano kikibo at ngingiti ng isang araw ay banggitin siya ni Ziven na matalik kong kaibigan ng dahil sa engkwentro kanina sa canteen .

"Ang ganda nga pala talaga ni Linnea noh ?  ." nakatulalang pag amin ni Ziven isang hapon sa aming tambayan na ikinabaling ko agad sa kanya habang agad na sinunggaban siya ng mabilis ni Nixon .

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko ehh ! Crush mo si Linnea noh ? Kanina sa canteen panay sulyap mo sa kanya eh !  " buska nito habang niyakap ang throwpillow na para bang kinikilig .

Ngumiti na para bang nahihiya ang kaibigan ko kaya mas lalo siyang tinukso nina Marick pati ng kapatid na si Zivon .

"Sa tagal natin na magkakilala ngayon ka lang pumuri ng maganda ! " patapik at panyiyikong susog naman ni Marick na bumaling sa akin upang ako ay senyasan na ito din ay busakahin .

"Masungit daw iyon eh ?  M-maraming nagsasabi ? Baka mahirapan ka don Ziven H-hahaha ! . " biro ko sa kanya pero hindi ako kumportable sa binitawan na salita sa kaibigan kahit pa ang nasa loob ko ay gusto ko din siyang suportahan kahit pa patungkol din naman ito sa aking nararamdaman .

"Wag kang kontrabida Thurstan ! Minsan lang humanga at magkagusto ang kapatid ko kaya suportahan na lang natin siya ! . " asik ni Zivon sa akin sabay bato ng throwpillow na hawak na sanay naman akong madalas gawin niya tuwing napipikon ko .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon