CHAPTER 58

88 4 0
                                    

"Wala naman siyang malalim na sugat na natamo maliban sa mga galos sa kanyang mga paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala naman siyang malalim na sugat na natamo maliban sa mga galos sa kanyang mga paa. " narinig kong diklara ng may edad ng doktor na agaran ipinatawag ni Thurstan pag dating naming dalawa sa kanyang penthouse.

Nakatulala ako at naka sandal sa headboard ng kama pero malinaw naman sa akin ang sinasabi niya.

"Ang pangyayaring ito ay maaring mag dulot sa kanya ng trauma ." Malungkot na saad niya.

Napalunok ako at nangangamba dahil ang totoo ay nanginginig parin ako sa takot nga.

"Maaari ko siyang ikonsulta sa aking kakila kung magkaganon man. "

"Pero sa aking nakikita ngayon ay mas kailangan niya ang pang unawa at isang tao na hindi maaaring mawala sa tabi at handang umunawa at umalalay sa kanya ."

Wala sa loob na nalamukos ko ang aking sariling mga palad habang hawak ang makapal na kumot na itinakip ni Thurstan sa akin kanina matapos akong aluhin at alalayan para makaligo sa maligamgam na tubig at kahit paano ay mawala ang lamig kasama ng mga dugo na kumapit sa akin.

"At sa palagay ko ay higit na ngayon ay mas kailangan ka niya. " pahuling bilin ng doktor at iyon lang ay lumabas na sila ni Thurstan ng silid.

Niyakap ko ang aking mga tuhod ng maramdaman ko ang pag lapat at pag sara ng pinto ng maka alis na nga ang mga ito.

Halos sumabog ang hagulgol ko sa takot na nadarama.

Takot na baka bumalik siya at mag tagumpay ng gawan ako ng masama.

Pakiramdam ko ang dumi dumi ko kahit na ako ay naligo na. Pakiramdam ko kumapit sa akin ang lahat ng mga kasalanan niya dahil sa pagkakahawak niya gamit ang makasalanan at maruruming mga kamay ni Jacee na siyang dahilan pala ng pagkamatay ng aking mga magulang.

Pumapatak pa ang basang buhok ko ng ito ay wala sa sariling masabunutan ko.

"Linnea. " Tawag nito sa akin matapos muling bumukas ang pinto at pumasok ito.

Hindi ako nag salita at tumingin dito wala akong lakas para salubungin kahit na ang mga mata nito.

Nakayuko parin ako at patuloy sa pag hikbi na pinipilit kong pigilan dahil nandito na ito .

Maya maya ay naramdaman kong umalog ang kama sa gilid ko at naramdaman ko ang pag lapat ng twalya sa aking buhok na tangkang pinupunasan na nito.

"Linnea. " muling ulit tawag sa akin nito.

Mula sa pagkaka yuko ay nag lakas loob na akong tumingin sa kanyang mukha .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon