CHAPTER 31

93 5 0
                                    

"Totoo ba ang nabalitaan ko na kayong dalawa ang gaganap sa sintahang Romeo at Juliet ?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Totoo ba ang nabalitaan ko na kayong dalawa ang gaganap sa sintahang Romeo at Juliet ? . " hindi pa man nakaka upo si Darcell sa nakasanayan na pwesto at upuaan ay agad na isinatinig na nito ang balitang nasagap .

Hindi ko ito tinitigan habang ang aking atensyon ay nasa sarili Kong plato .

"Ang bilis mo ahh ? Sino na naman ang nag balita sayo ? Oo totoo iyon bakit ba ? ." Pataray na sagot ni Zivon pero may bahagi ng boses ang pagka disgusto na hindi nito maitatago dahil ramdam ko iyon .

"Kung mag iingay ka lang dito umalis ka na . " sita ni Thurstan na animo naniingayan na kay Darcell .

"Ayos lang ba ito sa iyo Ziven ? . " walang preno na tanong nito ng maka upo na sa tabi ni Thurstan na matalim pa siyang tinitigan na hindi din naman niya ininda at dumungaw kay Ziven para kumpirmahin ang katanungan niya .

Napa angat tuloy ako ng tingin upang makita din ang mukha nito at katulad ko ay napatingin din ang iba sa kanya .

"Wala naman akong nakikitang masama ? . " inosente at kibit balikat na sagot nito at marahan na inilapit pa sa akin ang pinggan na nag lalaman ng ulam na binili nito para sa akin .

"Iyan ang gusto ko sayo Boss Ziven ehh ! " papuri ni Nixon habang bahagya pang nabubulunan  sa kinakain .

"Dapat lang siguro na isa alang alang ang personal na bagay sa mga ganitong sitwasyon . Sila ang napili para gumanap sa naturang karakter kaya dapat lang siguro na matuwa at maging masaya para sa kanila ." Pagpapatuloy nito .

Ngumiti ito sa akin na animo nagpapabatid na ayos lang talaga dito at susuportahan kami ng kaibigan nitong pareho .

"At isa pa , Panatag ako na si Thurstan ang magiging kapareha dito ni Linnea dahil hindi ko kailangan mangamba at mag pasamalat talaga ng lubusan at kaibigan ko siya . " binalingan ni Ziven si Thurstan na malaki ang ngiti na tinanguan ang huli .

"Wag kang mag alala . Ako ang bahala kay Linnea , Pag dating sa akin ay wala ka talaga dapat ika pangamba , Salamat sa suporta . " tunog pasasalamat ni Thurstan habang tinapik tapik pa siya ng marahan sa balikat ni Ziven .

"Paano ba iyan ? Wala naman problema dito Darcell ? Ikaw lang ata ang namomoblema ? . " pang iinis ni Marick ng makita na nagkasundo kami at wala naman talagang rason para hindi .

Isa lang naman itong dula at aming gagampanan ni Thurstan kaya wala itong dapat ipag alala o ipag selos man dahil si Ziven mismo ay wala man sa kanya .

"Ahh ? Hindi naman ako nababahala ? Nagulat lang ako ano ba ? Syempre susuportahan ko ang dula na ito lalo na at kayo pa ang gaganap na dalawa . " pag lilinaw nito at itinaas pa ang dalawang kamay at iniling iling na animo pinapabulaanan ang sinabi ni Marick sa kanya .

Nakita ko ang walang reaksyon ni Thurstan sa sinabi ng huli at animo katulad ng dati ay wala parin itong pakelam sa katabi .

Minsan nakakaramdam ako ng awa para kay Darcell , Madalang lang sa patak ng ulan kung pakitunguhan siya ng maayos ni Thurstan .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon