CHAPTER 67

77 4 0
                                    

Matapos kaming mag tanghalian ni Luciel ay niyaya ako nito na pumanhik sa sarili niyang opisina sa Mansion para narin siguro mapag usaan namin ang mga nangyari na hindi ako mag aalangan na mag sabi dahil nasa paligid ang Manang Emilia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos kaming mag tanghalian ni Luciel ay niyaya ako nito na pumanhik sa sarili niyang opisina sa Mansion para narin siguro mapag usaan namin ang mga nangyari na hindi ako mag aalangan na mag sabi dahil nasa paligid ang Manang Emilia .

"Kumusta kana ? . " Paninimula niya.

Ngumiti ako ng mapait bago yumuko at pinglaruan ang aking mga daliri na nakadantay sa hita ko .

Ang totoo sa sobrang dami ng nangyari ay hindi ko alam kung paano magsisimula na magsabi dito .

"Linnea ? . " untag na tawag niya na nagpa angat muli ng aking paningin sa kanya .

"Yung pumatay kay Papa ay siya ding pumatay kay Mama. " paninimula ko na nakakapaan ko ng pait habang naglalahad sa kanya ng storya .

"Anak siya ng dating asawa ni Mama na ipinagpalit niya kay Papa. " pagpapatuloy ko at naiintindihan ang galit niya na ngayon ay bakas na sa mukha dahil ako man ay galit parin sa lahat ng mga kahayupan niya kahit pa wala na din siya matapos manlaban sa mga tauhan ni Thurstan .

"Pinlano niya ang lahat pati ang pagpapakasal kay Mama. " nanariwa muli sa akin kung gaano ako katutol noon sa lalaki pero pursigido ang huli.

"Siya din ang pumatay kay Yaya Dahlia at Mang Stefan pati na din ang pagpapapatay sa Mama sa kulungan ." nanginig ang aking boses at animo naninikip ang dibdib sa pag hinga ng rumagasa sa akin ang lahat ng mapapait na alaala .

"Muntik niya na din akong gawan ng masama kung hindi lang ako tinulungan at niligtas ni Thurstan . "

Bumagsak ang mga luha ko at tinakip ang aking palad sa aking mukha ng mapahagulgol na ako sa sakit na nadarama .

Naramdaman ko na lang na yumakap na sa akin si Luciel .

"Pasensya kana pinsan hindi ko alam ang lahat ng nangyari at hindi kita naprotektahan. " aniya habang sinusubukan akong mapatahan .

"Ako itong pamilya mo pero parang wala akong nagawa para sayo ." pagpapatuloy niya na mabilis na ikinailing iling at ikinangiti ko.

"Wala kang kasalanan dito Luciel at kung iniisip mo na wala kang nagawa malaking tulong na sa akin ang pamamahala mo sa plantasyon na iniwan sa akin ng Papa. " paglilinaw ko sa lahat ng naitulong niya.

"Wala iyon Linnea sino sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo hindi ba ? Para na kitang bunsong kapatid alam mo iyan . " ginulo niya ang aking buhok bigla habang nangingiti na din .

Idinetalye ko pa ang iba pang nangyari sa mga nakalipas na buwan kaya bigla tuloy siyang may iminungkahi .

"Linnea bakit hindi ka na lang mamalgi dito sa Cavite ? Kasama mo ako at ang Manang Emilia hindi katulad sa Maynila wala kang nakakasama ? Saan ka na tumutuloy matapos ang trahedya ? Nasisisguro ko na hindi kana nakatira doon sa sarili mong bahay sa kabila ng lahat ng nangyari ." mahabang litanya at tanong niya na nag paamang sa akin bigla .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon