CHAPTER 33

69 5 0
                                    

Linnea's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Linnea's POV

Inililipad ng hangin ang iilang hibla ng mga buhok namin ni Ziven habang magka hawak ang kamay namin na naglalakad patungo sa puntod ng Papa .

Wala namang espesyal na okasyon pero napagkasunduan namin na dalawin ngayon ito sa kagustuhan din niya mismo .

Hindi na ako tumutol dahil pakiramdam ko ay matagal na akong handa para ibahagi ang parteng ito ng buhay ko sa kanya .

Nang makarating na sa puntod ay marahan na lumuhod ako upang tanggalin ang iilang tuyong dahon na nalipad ng hangin dito .

Mabilis din naman na yumuko din ito at inilapag ang bungkos ng mga bulaklak na binili niya kanina bago kami dito ay mag punta .

"Papa , Nagtataka ka siguro kung sino ang kasama ko ngayon hindi ba ? . " aking paninimula .

"Si Ziven nga pala , Nobyo ko . Mabuti siyang tao katulad mo  . " pagpapatuloy ko na inalis muna saglit ang paningin sa puntod at bumaling kay Ziven na ako ay tahimik  lang na pinakikinggan .

"Alam ko , Kung nandito ka man ay magkakasundo kayong dalawa . " pagmamalaki Pa ng tono ng boses ko  .

Natahimik ako matapos ng ilang sandali ng maramdaman ang pag pisil ni Ziven sa palad ko .

"Hindi ko man po kayo lubusan na kilala , Pero nagpapasalamat po ako sa inyo dahil may isang Linnea  . " mula sa pananahimik at pakikinig kanina ay nagpahayag na ito ng nadarama at ako naman ang nakinig sa kanya .

"Kung nasaan man po kayo ngayon ay alam kong binabantayan niyo siya . Pero nais ko lang po na ipabatid sa inyo na wala po kayong dapat na ipag alala . "

"Aalagaan ko po siya at iingatan sa abot ng aking makakaya , Mahal ko po siya at mabuti ang intensyon ko sa kanya kaya pwede po bang ipagkatiwala niyo siya sa akin at ipaubaya ? Pangako hinding hindi ko po siya pababayaan . " magalang na pagpapaalam nito na ikinataba ng aking puso .

Bahagya itong sumulyap sa akin ng maramdaman ang walamg sawa kong paninitig sa kanya kaya ginantimpalaan ako nito na ngiti niya .

"Dahil hindi ko siya nanaisin na saktan sa kahit na ano pa man na paraan ay aking iiwasan . Wag ko lang siyang bigyan ng dahilan para ako ay bitawan , Hindi ko po iyon maka kaya kung nagkataon man . " sa pangalawang pagkakataon ay marahan na pinisil nito ang aking palad na tanda ng pagpapaalam na bawat salitang kanyang binibitawan ay pawang katotohanan .

"Sa kanya lang po umiikot ang aking mundo simula ng makilala ko siya at mahalin ng ganito , Kung alam niyo lang . " dugtong pa nito at animo ang hangin ay nagugustuhan ang mga salitang namumutawi sa manipis at pulang labi nito dahil muli na naman isinayaw ang iilang hibla ng buhok namin na ikinagulo bahagya ng buhok na siyang nagpa gwapo lalo ng husto nito sa paningin ko .

Katulad ng nakasanayan tuwing dadalaw ako dito ay namamalagi ako ng ilang oras .

Kung noon ay mag isa ako dito , Ngayon ay may kasama na ako na nagpapabatid ng presensya na hindi ako kailan man na mag iisa dahil sinisiguro nito na ako ay laging sasamahan niya saan man ako mag punta .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon