CHAPTER 59

92 4 0
                                    

Sa pag mulat ng aking mga mata nasinagan ko agad ang liwanag na ibinibigay ng salamin na bintana na ngmumula sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pag mulat ng aking mga mata nasinagan ko agad ang liwanag na ibinibigay ng salamin na bintana na ngmumula sa labas .

Napansin ko agad na mag isa na lang ako sa kama at wala sa sarili na inikot ang aking paningin at ng wala along makita ay mabils na bumangon ako sa pagkakahiga upang maramdman lang ang sakit na iyon sa aking pang ibaba. 

Nasapo ko ang aking ulo at maayos na ibinalot ang takip na puting kumot sa aking katawan upang mahagilap ang isusuot. 

Napahinto at nagulat ako sa tangkang pag kilos ng marinig ang pag bukas ng pinto na doon pala ito naligo.

Awtomatikong nag tama ang aming mga mata habang siya ay pinupunasan ang basang buhok pa  .

"Gising ka na pala. " aniya pero yumuko na lang ako bigla at mas inayos ang takip na hawak nga. 

Narinig ko ang yabag niya at pag alog ng kama sa bandang aking harapan kung saan siya umupo upang marahan na itaas lang ang aking mukha sa pamamagitan ng kamay nito upang magtama lang ang aming mga mata. 

"Linnea , Ayos ka na ba? Masakit Pa ba?  . " masuyong tanong nito na bakas ang pag aalala ang sumisigaw sa mga mata nito. 

Napalunok at nag iwas ako ng tingin dito pakiramdam ko ay hindi ko muna kayang titigan ito matapos ng mangyari sa amin kagabi.

Ako naman talaga ang nagsimula at animo umaakto ako ngayon na parang ako pa ang biktima kaya bigla akong tinablan ng hiya at konsesnya ng mabasa ang ekspresyon sa kanyang mga mata. 

"M-medyo.  " tipid kong sagot sa kanya. 

"Bakit ayaw mo akong titigan ngayon?  . " anito bigla kaya sa pangalawang pagakakaton ay napalunok ako ng mabigat kasama ng aking ag hinga. 

"Tinititigan naman kita.  " pagdahilan at pagmamatapang ko. 

"Galit ka ba sa akin Linnea ? ." Mas lumungkot ang boses nito kaya mabilis na akong sumulyap at muling tumitig sa kanya. 

"Wala naman dahilan para magalit ako ? G-Ginusto ko naman ito hindi ba?  " sagot ko kahit na pakiramdam ko maaari akong lamunin ng lupa sa kahihiyan at pag amin muli sa kanya. 

Nanlaki at biglang nag liwanag ang mga mata niya at dahan dahan na ngumiti kasabay ng pag alis ng palad niya sa aking mukha at dalhin iyon sa aking batok upang marahan na kabigin ang aking ulo at mabilisan na kintalan ng halik nito.

"Natatakot ako , Natatakot na baka sa pag gising mo pagsisisi lang ang lahat ng maririnig ko sayo.  " anito na may bahid ng matamis na ngiti mula sa kanyang labi .

Napaamang ako bigla at tinakpan ng kamay ang sariling bibig. 

"Tinakot ko lang pala ang sarili ko.  " pagpapatuloy niya na animo natutuwa pa sa aking reaksyon ngayon. 

"Thurstan.  " suway ko sa kanya pero hindi naman ito nagpatinag bagkus ay mabilis na ibinalik ako nito sa pagakaka higa sa kama at mabilis na madaganan  .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon