CHAPTER 41

92 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Binalot ako ng matinding lunglot at nanahimik na lang madalas .

Wala akong imik at kibo .

Ayoko munang makipag usap kahit kanino .

Ultimong pag akyat ko sa entablado para tanggapin ang aking diploma ay hindi ko nagawa ngayong araw na ito .

"Ma'am Linnea , May bisita ka sa ibaba . " marahan na pagtawag at katok sa akin ni Yaya Dahlia habang nakahiga lang ako at nakapikit sa aking kama .

"Paki sabi na lang po sa kanila na tulog ako ayaw ko po muna sanang mag pa abala . " malamig kong sagot at inayos ang aking kumot at itinakip iyon sa buo kong mukha .

"Linnea , Si Zivon ito , Kasama ko sina Marick , Nixon at Thurstan sa ibaba ." Namayaning boses nito sa likod ng pinto na mas lalong nag palukob sa akin at pag yakap sa aking sarili .

Dahan dahan kong inalis ang aking kumot na nakatakip sa akin at nanlalambot na bumangon para tapatin ang pinto .

Para akong kinakapusan ng hininga saglit kaya dahan dahan akong huminga at kumuha ng hangin para makakuha ng lakas para ito ay pag buksan at papasukin .

"Linnea ." Tawag ulit nito sa akin ng ito ay akin ng mapag buksan ng pinto .

Ngumiti ito pero kahit pinipilit nitong ipakita na masaya iyon ay hindi parin umabot sa mga mata niya ang saya na nais sa aking ipadama .

"May kailangan ka ? " wala sa sariling naitanong ko .

"Pwede ba tayong mag usap ? . " paki usap nito .

Mas nilakihan ko ang luwang ng pinto at mabilis na iniwas ko ang aking paningin dito dahil nakikita ko sa kanya ang mga mata ni Ziven tuwing titig siya sa akin .

"Bababa na muna ako Ma'am Linnea , Aasikasuhin ko ang ibang mga bisita pa na nasa ibaba . " paalam sa akin ni Yaya Dahlia at kami na ay iniwan .

Apak ng paa nito papasok sa aking kwarto ang namutawi kalaunan .

Sinara ko ng dahan dahan ang pinto at pag baling ko sa gawi nito ay mabilis na humakbang ito sa akin palapit at ako ay mabilis na niyakap .

"Bakit hindi ka na pumupunta sa tambayan ? Bakit hindi ka umakyat ng entablado para tanggapin ang sarili mong diploma ahh Linnea ? . " sunod sunod na tanong nito na hindi ko magawan bigyan ng tamang sagot .

Ayoko , iyon ang gusto kong sabihin dito . Hindi pa ako ganon kalakas para makita ang mga lugar na pwedeng mag paalala sa akin kay Ziven ngayon .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon