CHAPTER 12

89 6 0
                                    

ZIVON'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZIVON'S POV

Agad ang pag baba ko ng sasakyan ng mahusay na naipasok na sa garahe ni Ziven ito .

Inunat ko ang aking katawan at bahagyang sumilip kay Ziven na kababa lang din mula sa driver seat .

"Kulang ang dalawang buwan na bakasyon . " nguso ko at kasabay ng pag alalay ng aming kasambahay sa amin at pag kuha ng bagahe din .

Dalawang buwan halos ang mabilis na lumipas ng mag bakasyon kami ni Ziven sa lola at lola namin sa Cagayan , umuwi din mula abroad sina Mommy at Daddy at sinamahan din kami na mag bakasyon doon .

Sa sobrang ganda ng lugar at tanawin doon ay parang ayaw ko na munang bumalik sa lungsod pero alam kong hindi maari iyon dahil ilang araw na lang ay mag sisimula na naman ang pasukan kung saan kami ay magiging Senior year na .

"Kulang parin ba sayo iyon ? Tama na at sapat na iyon , Para sa akin ay masyado na iyong mahaba Zivon . " malungkot ang tono ng boses nito na akin pang ikinataka at biglang may kung ano na pumasok sa akin na ideya .

Nakapasok na kami sa loob ng aming bahay at marahan na huminto ako sa pag lalakad upang maharap ito at namaatan ko ang naglalarong emosyon sa mukha nito kaya hindi na ako nakapag pigil na hindi isatinig kung ano man ang nakikikta ko sa anyo nito .

"Hindi mo lang nakita si Linnea halos ng dalawang buwan sabihin mo ! . " sita ko dito na ikina kamot nito ng bahagya sa sentido at pa pigil na ngumiti na ikinatawa ko na lang dahil nakaka aliw ang reaksyon nito na hindi naman nito itinatago .

"Wag kang mag alala , Malapit mo na siya ulit makita , dahil may pasok na tayo . " tinapik ko ang balikat nito at mas lumawak ang matamis na ngiti na siyang nag papa aliwalas ng kanyang mukha .

Hindi na ito nag bigay ng kumento o ng kung ano pa man dahil biglang tumunog ang Cellphone niya na agad din naman nitong sinagot at humakbang at umupo sa gilid ng Sofa .

"Marick ? Oh ? Nasa bahay na kami ni Zivon . Kakauwi lang namin ngayon . " napatingin ako kay Ziven na galak na galak sa kinakausap habang bumusangot na lang ang mukha ko sa pangalan ng narinig kumg sino ang kausap nito .

"Talaga ? Kahapon ka pa naka balik ? Sige , Pumunta ka na lang dito mamaya . Mag pa pa barbeque ako tatawagin ko din si Thurstan para ipaalam ito sa kanya . " humakbang na lang ako para ito ay maiwanan at maka akyat na sa aking sariling kwarto .

Sa pag kaka alam ko ay nag bakasyon ang pamilya ni Marick sa Romblon base sa sinabi nito noon sa amin bago matapos ang pasukan , Si Thurstan naman ay hindi nag bakasyon sa kung saan at nanatili lang daw sa sariling bahay dahil na pilayan daw ito at na dulas sa gilid ng sariling swimming pool at dahil sa takot at ay hindi na lumabas at nanatili na lang sa loob ng kanilang bahay para maiwas sa ano mang kapahamakan .

"Sige , Sige . Mag papahanda na ako kina Manang para dito na rin kayo makapag hapunan mamaya . " narinig kong sagot muli nito sa kausap ng nasa itaas na ako ng baitang ng hagdan .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon