CHAPTER 43

86 4 0
                                    

"Handa na ba ang bungkos ng bulaklak na ipina ayos at ipinasalansan ko ?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Handa na ba ang bungkos ng bulaklak na ipina ayos at ipinasalansan ko ? . " tanong ko habang sinisipatan ang aking cellphone sa tuloy tuloy na pag tunog niyon dahil sa sunod sunod na mga mensahe ng nag padala .

"Ayos na po Ma'am Linnea . " sagot naman ng aking florist na siyang itinoka ko para dito dahil abala ang iba sa pag aasikaso ng delivery at pag salansan ng iilan pang Bouquet ng mga bulaklak .

Nag tipa muna ako saglit ng aking mensahe bago pinatay ang ilaw ng aking cellphone at nilingon ang gawi ng counter kung saan naka lapag na ang bungkos ng mga bulaklak na ipinasalanasan ko ng maayos dito .

"Salamat , Sueanne . " tango ko at muling sinipat ang aking cellphone sa pag ilaw niyon .

Hindi na ako nag abala na sumagot pa ang mensahe dahil sigurado naman akong makakapunta .

Napalingon ako sa gawing likuran ng narinig kong tumunog ang door chimes na nag papahiwatig na may pumasok .

"Linnea ! Tapos na ba ? . " lapit agad sa akin ni Nixon na may malaking ngiti sa labi pero bakas ang kaba na naka pinta sa mukha .

Tinanguan ko ito at sa pamamagitan ng aking paningin na sinundan nito ay iminwestya ko ang pinahandang bulaklak na itinawag at naging dahilan ng pamumulabog nito sa akin buong araw at talagang hindi ako tinatanan hanggat hindi naisingit ang sa kanya .

"Maasahan ka talaga ! Hindi mo lang alam kung paano mo ako na isinalba sa maaaring maging galit ni Divine dahil sa hindi ko sadyang pag kalimot ng kaarawan niya .  " hinawakan pa nito ang dibdib at talagang huminga muna ng malalim bago ngumiti ulit at nag labas na ng tamang halaga para i abot sa kahera .

Bahagya pa munang nag katitigan ang dalawa na napansin ko naman bago ako tumikhim saglit at animo doon lang sila pareho natauhan .

Kinuha at binitbit na nito ang bouquet matapos tanggihan ang sukli na inaabot ng aking kahera sa kanya  at dahan dahan na inalayo na doon ang mga mata at ibinalik na nga sa akin .

"May lakad ka ? Bihis na Bihis at ang ganda ng pustura mo ngayon ahh ? ." Usyoso nito matapos saglit mag taka sa ayos ko .

"Hindi ka pa ba mahuhuli sa lakad mo ? . " balik tanong ko dito kaya nanlaki bigla ang mga mata at sinipatan ang relo sa palapulsuhan nito.

"Sige mauna na ako ! Sa susunod ulit ! Swerte ang bulaklak na itinitinda ng shop mo ! Nakakawala ng galit ng kasintahan ko kaya sa susunod ulit ! ." pahabol pa nito bago sipat sipatin ang paligid na animo may hinahanap at lumabas na pag katapos huling sipatan ang kahera ko .

Wala sa sarili na naitagilid ko ang aking ulo at binalingan si Suenne na bahgya pang namumula ang mukha .

"Mag sara na kayo pag katapos . Sabihin mo na din sa iba para sila na ay makapag ayos . " anunsyo ko .

"May lakad kayo Ma'am ? . " tanong nito na hindi ko naman natunugan ng inis ang aking sarili hindi katulad ng pagkakatanong ni Nixon kanina sa akin .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon