"Devon! Check this out! That was the reason kung bakit hindi ako nakatulog kagabi," bungad ko sa kaniya nang makarating ako sa university.
"What the...ang dugyot! Totoo ba 'to? Basag na basag bungo ng aso oh. Ang cute pa naman."
"Feeling ko nga parang kinuha lang sa Google, e. What do you think?" bulong ko.
"Huh? Bakit nauulit mga pangalan nila saka wala silang surname? Are they using a dummy account or what?"
Tinignan ko naman ang tinutukoy niya. Ngayon ko lang napansin ang mga pangalan ng members. Nauulit ang mga first name nila at mukhang kami lang ata ni 14th ang hindi.
"Dyne Dyne, Steph Steph, Rex Rex, Yna Yna....what the! Anong klaseng fb account 'to. Pinag usapan ba nila na ganyan ang gawing name nila?" She asked.
Hindi ako nakasagot. Kung hindi sana umalis si Stacey sa GC, pareho sila ni 14th na may maayos na format ng pangalan bukod sa akin. Bakit kasi hindi siya nagre-reply sa mga chats ko? Edi may sasagot sana sa mga tanong ko!
Napakamisteryoso ng GC na 'to, kaya mapapaisip ka kung aalis na lang dahil sa mga ganap nila. Pero sa kabilang banda, gugustuhin mo pa ring manatili para malaman kung ano talaga ang nangyayari. Hays! Bakit ba sobrang curious ko sa mga bagay-bagay?
Members:
Axiel Axiel (1st)
Steph Steph (2nd)
Alex Alex (3rd)
Dyne Dyne (4th)
Yna Yna(6th)
Red Red (7th)
JP JP (8th)
Trix Trix (9th)
Rex Rex(10th)
Vince Vince (11th)
Finn Finn (12th)
Rein Rein (13th)
Aeron Villareal (14th)
Lexxa Lexxa (15th)
Vien Vien (16th)
Zhavie Fuentes (20th)
"Andaming X. Ang creepy." aniya
"Sana all may X!" biro ko, natatawa.
Tanging hampas lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Sabay kaming bumalik sa upuan dahil sa biglang pagpasok ng instructor. Naghintay na lang akong matawag ang pangalan ko sa attendance habang malalim na nag-iisip.
May mga nawawala rin palang GC members bukod kay Stacey.
Nasaan na kaya sila?
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series #1)
Mystery / ThrillerGroup Chat tells the story of Zhavie Fuentes, a girl who was living a mundane life until she was added to a mysterious group chat named σκοτώνω. Little did she know that becoming a member would change the course of her entire life. ARE YOU READY TO...
