Zhavie's POV
"Ang bagal naman," reklamo ko habang nasa loob ng bus. Mukhang aabutin pa ako ng isang oras bago makarating kina Aeron. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Sa una, palipat-lipat lang ako ng app para malibang, pero sa huli, sa GC rin ako natapos. Mabuti na rin ito para pampalipas-oras dahil wala naman akong ibang makausap o magawa.
Bakit kasi ang tagal dumating ng magiging boyfriend ko? Edi sana siya ang kausap ko ngayon!
-σκοτώνω-
21st: Ilang taon ang pinakabata dito?
4th: 17.
Zhavie: Good morning po.
13th: Ang galang haha. Good morning, 20th.
3rd: Morning.
9th: Goodmorning.
10th: Oh 3rd! Nabuhay ka.
3rd: Of course. Di pa naman ako patay.
2nd: Lagi ka na lang wala. 15th left the GC, exchange member niya si 21st.
3rd: Oh.
6th: Miss you 3rd.
3rd: i don't miss you, sorry haha.
6th: Tsk. Sama mo.
Zhavie: Nag breakfast na ba kayo?
21st: Yeah. Hi 20th!!
Zhavie: Hello. :)
11th: Hi dito na pogi.
3rd: Lol.
3rd: Ang pag kaka alam ko kasi kanina pa ako nandito, 11th.
Zhavie: wow!!!! ano daw????
11th: Bro! Sige pagbibigyan kita hehe.
3rd: Bro?
11th: Edi sis kung ayaw mo. Ba't lagi ka na lang wala 3rd?
3rd: What do you mean?
21st: Hello 3rd.
3rd: Hello, 21st.
10th: Tayo lang online?
11th: Guys may joke ako pampaganda ng umaga haha.
Zhavie: Wag na. Baka hindi gumanda at lalo lang masira.
11th: ikaw lang naman yung di maganda haha
Zhavie: Ha ha.
2nd: Sige ano yung joke mo.
11th: Knock knock
4th: Whos there
2nd: Who's there
11th: Farm ville.
2nd: Farmville who
11th: Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Farmville-ang kong sampo nakatago na kayo. (may accent yung taya)
11th: oo alam ko corny wag niyo na ipamukha sakin.
Zhavie: Corny mo pota haha.
11th: Kakasabi lang eh. :(
3rd: Eh bat ka nagmumura, 20th?
Zhavie: Kasi hindi naman ako minamahal.
8th: Hugot.
![](https://img.wattpad.com/cover/139924809-288-k905837.jpg)
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Mystery / ThrillerWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...