Zhavie's POV
Ito na ang araw na pupunta kami ni Axiel sa probinsya para kunin ang flash drive na ibinilin ni Stacey.
Kabado ako, pero hindi para sa sarili ko, kundi para kay Blaster. Alam kong hindi magiging madali ang lahat kapag nalaman niya ang totoong nangyari kay Vinassy nang gabing iyon. Pero alam kong kailangan kong gawin ito, anuman ang mangyari.
Paglabas ko ng dorm, bumungad kaagad si Axiel na nakatayo sa tabi ng kotse niya. He was wearing a black long-sleeved polo and black trousers, pati na rin isang itim na necktie na magulo ang pagka-ayos. Sabi niya, galing daw siya sa formal meeting at dumiretso na rito, kaya hindi na ako nagulat. Pero ang ikinabigla ko ay ang ilang sugat at pasa sa mukha niya.
"Axiel, ano'ng nangyari sa mukha mo?" nag-aalala kong tanong.
"It's nothing. Napaaway lang kami ni Rexord," malamig niyang sagot na para bang wala lang iyon sa kanya.
Hindi kaya dahil kay Clydeur kaya sila napaaway? Sinabi na kaya ni Rexord sa kanya ang tungkol sa nahanap niyang lighter? Hahawakan ko na sana ang mukha niya, pero agad siyang napaiwas.
"Just get inside the car, Zhav."
Kahit naguguluhan ako, tuluyan na akong pumasok sa sasakyan, pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko kaya pagkaupo niya sa driver's seat, muli ko siyang tinanong.
"Nangyari ba 'yan nang magkita tayo rito?"
"Have you eaten breakfast?" biglang putol niya, sabay pag-start ng sasakyan.
Hindi ko alam kung galit siya o pagod lang, kaya hinayaan ko na muna. Pero kahit gano'n, kabado pa rin ako. Malalang away ang tingin ko rito, lalo na't si Rexord ang kasama. Loko-loko rin kasi ang 10th na 'yon.
"Hindi pa," sagot ko. "Late na akong nagising, e."
"Mmm-hmm. Let's grab something on the way," he said with the same indifference.
"Sige. For sure matatagalan tayo sa biyahe, kaya mag-drive-thru na lang tayo."
"All right."
Napairap ako. Ang cold niya bigla! Pero hindi ba't ganito talaga siya? Bakit pa ba ako nagtataka?
"Axiel, kung may iba kang dapat asikasuhin ngayon, kaya ko naman mag-isa. Ihatid mo na lang ako sa terminal," suhestiyon ko.
"What? No," madiin niyang sagot. "I'll join you wherever you go."
"Parang wala kang gana, e. Ano ba talagang nangyari?" tanong ko, hindi na napigilan ang sarili.
He let out a sigh. "I met 11th that night outside your dorm."
Nanlaki ang mga mata ko. Vince? Sa labas ng dorm? Mabilis na tumakbo ang isip ko. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento kaya nakinig na lang muna ako hanggang matapos siya.
"Talagang sa labas ng dorm pa kayo nagbugbugan?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
"It was an unexpected meeting, Zhav."
"Sinong nanalo?" biro ko.
"Tss!" he stared at me sharply.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series #1)
Mystery / ThrillerGroup Chat tells the story of Zhavie Fuentes, a girl who was living a mundane life until she was added to a mysterious group chat named σκοτώνω. Little did she know that becoming a member would change the course of her entire life. ARE YOU READY TO...
