Halos hindi maalis ang tingin niya sa sinusundang kotse ni Aeron at mahigpit ang hawak sa manibela habang napapasipol. Kalahating-oras ang itinagal ng byahe bago sila tumigil sa isang simbahan.
"Regret is always something we feel too late," bulong nito sa sarili habang napapailing dahil nagawa pang pumasok ni Aeron sa simbahan sa kabila ng lahat.
Sa kabilang banda ay tahimik lang na nakaluhod si Aeron habang nagdadasal. Humingi siya ng tawad sa kanyang mga kasalanan at pinagdasal ang mga kailangan niyang ipagdasal. Nakahinga naman siya ng maluwag ng matapos siya dahil pakiramdam niya ay nabawasan ang bigat ng loob na kanyang iniisip.
"Anong pinagdasal mo?" nakangiting tanong nito kay Aeron matapos umupo sa tabi nito.
Aeron lowered his voice, "Marami."
"Ah.. ano 'yang nakasuot sa kamay mo?" itinuro niya ang bracelet nito at napangisi dahil sa naisip.
"Huh? Bracelet rosary 'to. Ba't mo natanong? Hindi mo ba alam kung ano 'to?" Nagtatakang sagot ni Aeron.
The person next to Aeron laughed because of what he said. Pagkatapos ng ilang segundo, bigla siyang humawak sa balikat nito kaya napagalaw si Aeron dahil sa pagdampi ng kamay nito.
"Bakit ka napatigil? May problema ba?"
"W-wala. Ang lamig kasi." Sagot niya habang nakatitig sa mapuputing kamay neto.
"Sige. Ikumusta mo na lang ako sa kaniya, ha?" nakangiting bilin nito.
"Ikumusta kani—" Hindi na nasagot ang tanong ni Aeron dahil sa biglang pag-alis ng kausap niya.
Napuno ng palakpakan ang loob ng simbahan nang matapos ang misa. As Aeron exited, he felt thirsty and immediately looked for something to drink. Bumungad sa kaniya ang nagbebenta ng buko juice na dinumog ng ilang tao sa labas ng simbahan kaya nilapitan niya ito.
Napanguso si Aeron habang pinapanuod ang nagbebenta na abala sa paghahati ng yelo gamit ang isang ice pick. Nang makasingit ito ay agad siyang nagsalita. "Isa nga niyan."
Nag-angat ng tingin sa kaniya ang nagbebenta ng buko juice at tinanggal ang suot nitong asul na sumbrero bago magsalita. "Galing ka ng simbahan?"
"Oo," Aeron replied.
"Ah.. pinapatawad ba niya ang mga makasalanan?"
Hindi agad nakasagot si Aeron sa tanong sa kanya. Lihim siyang nakonsensya at isa lang ang tanong sa isip niya: mapapatawad nga ba siya?
Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang pawis kaya inabot na lang ni Aeron ang bayad at umalis matapos makuha ang inumin.
"Ingat ka." Nakangiting sabi ng nagbebenta kay Aeron bago siya makaalis. Pero mukhang hindi na narinig ni Aeron ang huling sinabi neto dahil abala siya sa pagkalikot ng hawak niyang cellphone.
Aeron was preoccupied with his phone while walking to the car park. He then stopped for a second when he received a message from Zhavie, asking if he had returned home. Sinagot lang niya itong pauwi na siya at agad ring itinago ang hawak upang buksan ang kanyang kotse.
Agad napatigil si Aeron nang biglang may humawak sa balikat niya. "Sukli mo, naiwan."
"Ah.. thanks!" he smiled as he thanked the person. Papasok na sana si Aeron sa nakabukas niyang kotse ngunit hindi niya magawa dahil nakahawak pa rin sa balikat niya ang taong nasa likuran.
"Papasok na ako sa kotse." Saad ni Aeron sa kanya. Nanlaki naman kaagad ang mata neto ng makitang hawak hawak pa rin ng taong nasa harapan niya ang ice pick sa kaliwang kamay niya.
"Huwag muna," said the person, coldly.
"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Aeron.
"Marunong ka bang maglaro ng taguan?"
"Ha?" napalunok na banggit ni Aeron.
"Bibilang ako ng hanggang sampu. Kaya umpisahan mo ng magtago, Aeron."
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Genç KurguWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...