Author's Note: I'll be using they/their/them pronouns to describe the person in some parts of this story to avoid revealing their true identity and to keep the mystery alive, especially in the 3rd Person's POV. But malalaman niyo rin soon! :)
A few weeks later...
Zhavie: Aeron?
Zhavie: Yuhooo.
Aeron: Yup?
Zhavie: Ok ka na? See? Wala namang nangyari.
Zhavie: Matatakutin ka lang talaga.
Aeron: Siguro nga, pero hindi pa rin ako dapat magpakasiguradoAeron: Papunta ako ng church ngayon.
Zhavie: Ay oo nga pala sunday ngayon.
Zhavie: Sige ingat ka.
√Seen4:18pm
3rd Person POV
"Aeron Villareal..." Sinakop ng kanyang malakas na tawa ang buong kwarto matapos maalala ang pag-alis ng pang labing-apat na miyembro ng GC. Nasa kalagitnaan na ito sa pagsasara ng bag kung saan nakalagay ang mga kakailanganin nito ngayong araw, ngunit agad siyang napatigil upang titigan ang sarili nito sa harap ng isang malaking salamin
A tall person with smiling eyes appeared. Pale features displayed because of its snowy skin.
Nang mapansin niyang humaba na muli ang kaniyang buhok hanggang leeg ay agad niyang tinalian ito bago isuot ang itim na sumbrero. Nang matapos ito'y bigla siyang napahawak sa kaniyang labi, tila ba'y nag-iisip kung ano pa ang posibleng gawin kay Aeron bukod sa kanyang naunang plano.
Whistling, a memory flashed inside the person's mind. Humigpit ang hawak nito sa bag habang inaalala kung ano ang ginawa niya sa dating pang labing-siyam na miyembro, lalo na kung kung paano niya ito pinatay....
Napakaganda ng umaga noong araw na 'yun. Nakangiti lang siyang naglalakad habang nilalakbay ang daan papunta kung saan nakatira 19th. Hawak hawak niya ang isang kahoy na gawa narra at napapaligiran ng napakadaming pako na tila ba'y nangangalawang na.
Pinili niyang sa likod dumaan dahil puno ng tao sa harap—mga batang naglalaro at mga estudyanteng papasok sa paaralan. Tumingala siya sa mataas na pader na napapaligiran ng alambre, at nagdesisyon kung ano ang susunod na hakbang. Nang umakyat siya sa pader, tumusok sa likuran niya ang maliit na piraso ng alambre. Ilang segundo niyang tinitigan ito bago punasan ang dugo at balewalain ang natamong sugat nito.
Kumaway pa siya sa isang asong siberian husky na nasa hardin, pero agad tumahol ang aso kaya inilagay niya ang kanyang isang daliri sa kanyang labi bilang senyas na huwag itong maingay. Hindi pa rin ito tumigil sa pagtahol kaya't napasabunot siya sa kanyang buhok.
Pouting, the person tilted their head as they remembered that the dog was 19th's favorite pet. Dahil sa nangyari, agad niyang kinuha ang kaninang tumusok sa likuran niya upang patahimikin ito. They gently petted the dog's head, then laid it down and wrapped the wire around its neck. Nang mapansin niyang humihinga pa rin ang aso kahit ito'y nakapikit na ay agad niya rin itong iniwan upang puntahan ang babae.
The person had no trouble getting in because the back door was open. When they entered the living room, the freshly cooked dishes on the table welcomed them. Seeing that, they took a piece and ate it while raising one of their feet on the chair; their left hand was still holding the wood surrounded by nails.
"Pft! Walang lasa," bulong niya bago mapatigil sa pag-kain nang marinig at mapansin ang mahinang kaluskos, hanggang sa bumungad sa kanya ang babae.
"At sino ka naman?" gulat na tanong ni 19th.
Hearing that, the person's smiling eyes twitched, "Good morning! Papasok ka na ba? Breakfast ka muna."
"Anong ginagawa mo rito?!" Kinakabahang tanong ng babae lalo na nang makitang duguan ang puting damit ng taong nasa harapan niya.
Pero hindi siya sinagot neto bagkus ay kumagat pa ng isang hotdog na tila ba'y walang naririnig na tanong mula kay 19th.
Nang makita niya ang reaksyon ng babae, agad siyang natawa, "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong kakain muna bago siya gumawa ng masama? The truth is, I'm giving you time."
"Hindi kita kilala, at wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" sagot ng babae.
"Kumuha ka ng kanin, please." Pagmamakaawa neto sa kanya.
"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?! Hayop ka!" Out of annoyance, she threw the fork at the person in front of her. She was about to leave, but the person behind her shouted.
"You brat! At sa iyo pa talaga nanggaling iyan?" agad itong tumayo mula sa kinauupuan upang sakalin ang babae.
"B-bitawan m-moko. Nasasakal a-ako." Pagmamakaawa niya.
"Hindi ka ba marunong sumunod sa simpleng utos, ha?! I was being nice to you, pero anong ginawa mo?" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagsakal sa babae habang binabalewala ang mga tanong nito. They enjoy seeing her in pain because in their mind, she deserved this. This wasn't enough to satisfy them, at least.
19th tried to escape. With force, she pushed the person behind her.
Naabutan niyang muli ito at ipinalo ang kahoy na hawak hawak niya sa likuran neto. Bumaon pa ang mga pakong kinakalawang sa likuran ni 19th kaya't hindi niya na nagawang makatakbong muli. "Tatakbo ka?! Tatakasan mo 'ko?! Inuutusan kita diba?! Sabi ko, kumuha ng kanin dahil nagugutom ako!!!" Sigaw neto sa kanya
Despite the situation, 19th forced herself to shout and begged for someone's help, "Tulong! T-tulungan niyo 'ko!"
Naalarma naman kaagad ito kaya agad niyang pinalo ang bunganga ni 19th upang matigil ito sa pag sisigaw. Tumatalsik pa ang mga dugo ni 19th sa mukha neto habang pinapalo niya. Sabay sabay bumaon ang mga pako sa bunganga at mukha ni 19th niya dahil sa tuloy tuloy na pagpalo sa kanya.
"B-baliw ka," saad ng babae bago siya tuluyang mawalan ng hininga.
"Baliw? You're one of the reasons, then."
Hinugasan niya ang kanyang mukha sa kusina dahil sa mga talsik ng dugo. Pagkatapos ay kumuha siya ng plato at kutsara. Napapalakpak naman siya ng makita ang rice cooker na nakasaksak parin hanggang ngayon. Agad niyang binuksan ito at napapalakpak muli ng makitang luto na ang kanin. Sumandok kaagad siya at pumunta ng dining table. Napasulyap pa siya kay 19th at umiling. "Ang tamad tamad ng babaeng 'to." Mahina niyang sabi tsaka dumiretso ng dining table upang kumain.
Hinugasan pa niya ang mga pinagkainan niya bago pumunta sa kwarto ni 19th upang kumuha ng tshirt na pwedeng niyang ipalit. Pinili niya ang isang maluwag at kulay asul na damit. Nilapitan niyang muli si 19th bago umalis.
"You're useless. Wala ka talagang kwenta, Clarisse" bulong neto sa kanya tsaka umalis.
Walking, the person laughed as they removed the gloves in its hands.
After remembering what had happened to its first murder, the person gazed up at the sky.
"Wait for me, 14th." Pagsasalita neto tsaka sinuot ang kulay itim niyang sumbrero.

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Fiksi UmumWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...