GC 60

29.6K 1.1K 2.1K
                                        

Zhavie POV

"Kakakain mo lang ng ice candy, gulaman naman tinira mo ngayon? Daig mo pa naglilihi!" biro ko nang dumiretso siya roon matapos kaming makababa ng taxi.

"Gago! Naglilihi ka riyan? Paano mangyayari 'yon e ang tagal ko nang hindi nakikita 'yong ugok na lalaking 'yon saka wala pang nangyayaring kababalaghan sa amin!" irita niyang sabi.

"Si Head— I mean si Blaster ba?" pagkukumpirma ko. 

"Tumpak ka riyan, friend! Sino pa bang iba? Siya pa rin naman ang lalaking gusto ko hanggang ngayon," saad niya saka iniwan ako sa kinatatayuan ko.

Patakbo nanaman akong lumapit sa kanya dahil ang bilis bilis niyang maglakad. "Hoy Lambojo! Saglit lang. Hintayin mo 'ko!"

"Bakit kita hihintayin, Fuentes?! Sawang sawa na ako maghintay!"

Natawa na lang ako nang makita ang hitsura niya. Mukha siyang stressed, mabuti pa ako fresh!

"Woah! Wala na bang ilalamig 'tong mall na 'to! Ang init!" Pagrereklamo niya habang chinecheck ng security guard ang bag niya. "Ano 'yang bag ko fishball? Tinutusok tusok mo lang kuya? Tusukin kita diyan eh." Pagrereklamo niyang muli.

Bakit ang init ng ulo niya? Red days ata!

"Kalma lang ho kayo, Ma'am. Sige ka, papangit kayo niyan," patagong natawa si kuyang guard.

"Kahit hindi ako kumalma maganda pa rin ako, pero grabe ka naman manusok sa bag ko. Mukha ba akong magdadala ng bomba sa mall na 'to?" pagsusungit niya.

Sabay kaming natawa ng guard nang marinig ang sinabi niya. Sinundan ko lang siya sa paglalakad habang patuloy siyang nagrereklamo. Kahit ang presyo ng pagkain sa food stall hindi nakaligtas sa kaniya dahil sa biglang pagtaas ng presyo nito. Mabuti na lang at ako lang ang nakakarinig.

"High blood ka naman masyado, Rhea. Sige ka, papangit ka talaga niyan."

"Alam mo kung bakit ako high blood? Una, nagleave ka sa GC nang hindi mo sinasabi sa akin ang plano niyo ni 1st. Alam mo ba? Sobrang dami kong naiisip kanina kung bakit ka umalis! Gusto na nga kitang sugurin sa campus niyo, e. Pangalawa, nalaman kong si Blaster pala head admin sa GC! Parang takot na takot pa sila sa kanya kaysa kay Axiel. E, walang'ya! Binabatukan ko lang kaya iyong lalaking iyon!" 

I pressed my lips together and hid my laugh. Padabog pa niyang ipinasok sa bag niya ang school id bago kunin ang shopping cart nang makarating kami sa loob ng supermarket. Hinayaan ko lang muna siyang pumili ng mga iluluto niya at kinuha muna ang phone upang i-chat si Axiel. Isang oras na ata ang nakalipas, hindi pa ako naibabalik! 

Aixel Aixel •active 2mins ago

Zhavie Fuentes
Axiel Axiel

Zhavie Fuentes
Yes papa?

Zhavie Fuentes
Are you busy?

Aixel Aixel
Yeah.

Zhavie Fuentes
Ahh. Sorry hehe. Magpapabalik na sana ako sa GC eh. Nabawi mo na ba account mo?

Aixel Aixel
Not yet.

Zhavie Fuentes
Luh. Bakit?

Aixel Aixel
Kasi hindi ko pa nababawi.

Zhavie Fuentes
Pagkatapos mo 'kong pakinabangan ngayon binabara mo na ako. Grabe ka talaga. :(

Aixel Aixel
Thankyou.

Zhavie Fuentes
For what? Hihi.

Zhavie Fuentes
Hoy wag mo 'kong iseen.

Aixel Aixel
For helping me.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon