11th: Hala nag leave.
2nd: Goodluck.
12th: Pinepressure niyo kasi.
11th: 😂
13th: Goodnight guys.
4th: Goodnight
6th: Gosh! This night is freaking boring!
Zhavie: Yan! Good! Itulog niyo lang 'yan. Night Night!
Alarm clock ko ang gumising sa akin dahil sa malakas na pagtunog nito. Today's Saturday, walang klase kaya minabuti kong humiga muna saglit dahil masyado pang maaga.
Ang mga chat kaagad ni Devon ang bumungad sa akin kaya agad akong u-moo sa request niyang i-print iyong mga kailangan namin sa isang major dahil hindi pa maayos ang pakiramdam niya.
Sunod kong binuksan ang GC matapos mag reply. Sobrang daming messages kaya tinamad akong mag backread kaya binasa ko na lang ang mga bagong dating na chat hanggang sa napanganga ako sa nakita ko.
Bakit kasama ulit si Aeron dito? Hindi ba't umalis na siya kagabi?
-σκοτώνω-
13th: He's saving you, 14th!
7th: Don't blame us. Hindi pare-pareho ang ugali ng mga nandito.
14th: Ayuko na nga diuba?! Umalis na sko dito dahil ayuko ns! Bakit kailantgan niyo pa akongg ibalik ulit!
Zhavie: Hala? Sino nagbalik sa kanya dito?
14th: I don't know. Ito na kaagad ang bmungad sa akin pagkagising ko. Nahihirapan din akong magbackresd kaya hindi ko alam kung sino.
Zhavie: Sino ba?
12th: Hindi ko alam. Kagigising ko lang din.
13th: Huwag niyo ng alamin kung sino. Ang importante hindi pa alam ni 1st na nagleave ka. Pero, I'm not sure kung alam niya na. Sana hindi.
Zhavie: Sino ba yung hinayupak na nag add uli sa kanya dito?! Nagleave na nga yung tao ibabalik niyo pa?!
6th: Bakit ba ang daldal mong babae ka ha?!! Kagabi ka pa!
Zhavie: Who u?
6th: Bitch!
Zhavie: Are you describing yourself? Huh?
Zhavie: Huwag mo 'kong binubwisit. Umagang umaga. Di pa ako nakakapag almusal baka ikaw almusalin ko.
15th: *smirk*
Hinayaan ko muna silang magbangayan upang makapaghilamos muna dahil masyado nilang pinapainit ang ulo ko, lalo na si 6th!
Tinahak ko ang daan papuntang convenience store habang patuloy nagsusulat ng reply sa mga bagong dating na chat. Bakit hindi na lang nila hayaan si Aeron? Hindi talaga sila naaawa sa kaniya! Nagmumukha man akong kontrabida sa GC pero wala akong choice dahil nakakaawa naman talaga.
"Ouch!" saad ko nang may biglang bumangga sa akin.
Napatigil naman ako matapos kong makuha ang phone ko dahil sa mga kamay niya. Sobrang puti neto! Na para bang wala man lang kadugo dugo sa loob. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni JM na yung nag abot ng shoebox ay sobrang puti ng kamay. Baka siya yun?!
The person immediately looked away. Hindi ko na nakita ang mukha niya matapos niyang i-abot ang phone. Tinawag ko pa siyang 'kuya' at 'ate' dahil wala naman akong ideya. Balot na balot kasi ang katawan niya. Gusto pa sanang magsalita ngunit hindi niya ako nilingon; patuloy lang siyang naglakad.
Aalis na sana ako pero bigla akong napatingin sa kung anong kumikinang na bagay na nasa paanan ko. Isang silver na kwintas. Kinuha ko kaagad ang kwintas at V ang letrang nakadikit dito.
Sa kanya ba 'to?
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...