3rd Person POV
"Sh*t! What happened?!" Sigaw ni Axiel nang makitang tinulak palabas ng kotse si Rexord. Napatago din sa likod ni Axiel si Zhavie dahil sa takot.
"Pucha!" sigaw ni Rexord bago ilipat ang tingin sa dalawa na ngayo'y patakbo sa direksyon nito.
"Hala, 10th! Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Zhavie.
"Puro kayo anong nangyare. Tanggalin niyo muna kaya itong nakatali sa katawan ko tsaka kayo magtanong!" Inis na sabi ni Rexord.
Sabay inalalayan ng dalawa si Rexord upang makatayo ito. Habang hindi naman maiwasang matawa ni Zhavie dahil sa ekspresyon ng mukha ni 10th.
"Ayan ok na? Mukha ka kasing palakang sinipa palabas hehe. Ok ka lang ba?" Tanong ni Zhavie.
"Mukha ba akong okay?! Axiel my lord, puwede bang pasabunot dito, mahina lang? Nanggigigil talaga ako, e."
"No. Don't you dare. Don't hurt my...my--"
Rexord smirked. "My? Sige.. ituloy mo, Axiel my lord."
"M-my..uhh, pet?" Patanong na sagot ni Axiel sabay kamot sa ulo.
"Pet? Ang ganda ko namang pet!" sigaw ni Zhavie.
Axiel's face was red as he turned his gaze to the other side.
He then asked, "What happened? Sino 'yon?"
"Ha? H-hindi ko nakilala. N-naka mask eh." Sagot ni Rexord.
"Pwede bang tumayo muna tayo? Ang sakit na ng paa kong naka upo eh hehe." Pagrereklamo ni Zhavie.
"Bakit ba sinama mo pa 'to?" Tanong ni Rexord kay Axiel habang pinupunasan ang kanyang itim na pantalon.
Zhavie filled in, "Akala ko kasi may aawayin si Axiel, gusto ko lang siyang makita. Saling pusa lang sana."
"Pfft! Haha! Cutest cat." Bulong ni Axiel.
"Tsk! Kaya pala natagalan, halos mamatay na ako, e. Muntik na akong patayan ng lalaking 'yon!"
"Lalaki? Ano raw kailangan sa'yo?" tanong ni Zhavie.
"Sa akin wala, pero kay Axiel meron."
"Huh? Why me?" Mariin siyang tumingin kay Rexord habang naka-alalay pa rin sa katawan nito.
"Ewan! Tanong mo siya. Kainis! Ikaw mag drive Axiel ang sakit ng paa ko pakiramdam ko mababaog ako neto, tangina!" Inis na sabi ni Rexord tsaka sinipa ang gulong. "Aray pota!"
"Bobo! Sisipain mo yung gulong tapos magrereklamo ka. Nananahimik yung gulong. Pfft!" Napapigil na tawa ni Axiel.
"Ang importante nakaligtas ka na sa kanya, okay?" ani Zhavie.
"Sh*t. Walang gas." Saad ni Axiel.
"Tanginang kamalasan naman 'to oh. Ano yan magtutulak tayo hanggang doon sa gas station?!" Inis na sabi ni Rexord tsaka napasabunot ng buhok.
Binato naman siya ni Axiel ng air freshener at nagsalita. "Malamang! Alangan namang yung gas station lumapit dito sa kotse mo. Kumalma ka nga!"
"Bakit kasi hindi man lang kayo nagdala ng sasakyan?"
Zhavie, "Walang ng gas 'yong motor ni Axiel saka nadala ata ni Rhea 'yong susi ng kotse ni Blaster. Umalis kasi siya para bumili ng makakain, tagal mo raw, e. Ang lapit lang naman ng gas station o, hehe."
"Palibhasa di ka mag tutulak eh." Saad ni Rexord.
"Edi magtutulak din ako. Kung ayaw mong mahirapan magtulak, puwede rin tayong maglakad papunta ng hospital. 5 minutes lang naman ang layo, or commute na lang."
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Genç KurguWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...