GC 34

26.9K 1.2K 377
                                    

ZHAVIE

Hindi na ako muling nakatanggap ng reply kay Aeron matapos niyang sabihing pauwi na siya. 

Katatapos ko lang magreview dahil exam na bukas. Hays! Siguradong mapipiga nanaman utak ko nito. Wala akong ganang humiga sa kama habang hawak ang phone ko.

Ang ingay nanaman sa GC kaya pinili ko munang tumambay doon upang magpalipas ng oras.

-σκοτώνω-

2nd: Tayo lang ba online?

7th: Ata?

16th: Anong ganap kagabi? Di kasi ako nag online kagabi eh.

15th: Wala naman. Boring nga e. Sino na ba sunod satin? Tapos kana 16th diba?

16th: Oo, si 20th na.

10th: 20th, ano naaaa?

8th: Seen lang siya.

Zhavie: Bakit?

12th: Sunod ka na mamaya ha?

Zhavie: Ha? Anong sunod?

2nd: Mamayang 10pm.

4th: Hi guys! Online ba si Admin?

13th: Hindi eh. Why?

4th: Basta! Hahaha.

7th: offline din sina 6th, 9th at 11th.

13th: Pati si 3rd.

10th: lagi namang offline yon

2nd: Offline din si 11th.

7th: onga, kasasabi ko lang kanina

6th: Hi! Miss niyo 'ko, ano?

15th: Asa. Lol!

16th: Offline din si 14th.

6th: Gaga! Nag leave na nga siya dito diba? Hello?

16th: Ay! Oo nga pala. Btw, bakit ngayon ka lang nag-online?

6th: Wala. May tinapos lang ako. :)

8th: Sipag ah.

Zhavie: Out muna ako. Op ako sa inyo eh.

12th: Ge. Basta mamayang 10pm, ha.

Hindi ko na nireplayan si 12th dahil nawalan ako ng gana matapos mabasang paulit-ulit nanaman sila sa rule na iyon.

Nagluto na lang ako ng simpleng dinner at binuksan ang TV nang matapos ako sa pagluluto.

Napatigil ako sa pag-kain dahil sa balita.

Hindi ako makapaniwala.

Paano nangyari?

"Natagpuang patay ang isang binata sa kanyang kotse dito sa parking area kung saan may nakapulupot na dog chain sa kanyang leeg. Kinilala ang biktima bilang si Aeron Villareal, anak ng dating Mayor Arthur Villareal. Sa kasalukuyan, wala pang lead sa posibleng suspek dahil nag-shut down ang CCTV sa lugar bago ang insidente. Subalit, isang saksi ang itatago natin sa pangalang Andy ang nakakita sa taong hinihinalang lumabas mula sa sasakyan ilang minuto bago natuklasan ang bangkay. Narito ang aming eksklusibong panayam sa saksi," iniulat ng reporter.

Andy (Saksi): Papunta na ako sa parking lot para kunin ang kotse ko nang biglang may lumabas mula sa sasakyan ng biktima. Nakaramdam ako ng kaba nang makita ang dala niyang baril kaya nanatili lang ako sa pwesto ko...

...pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko siya at may sumbrero. Lumitaw ang kanyang buhok nang sandali niyang ayusin nito, lagpas tainga ang haba. Hindi ko nga lang matukoy kung babae o lalaki dahil nakasuot ito ng jacket at pantalon, pero medyo matangkad at nasa katamtamang katawan.

Agad kong pinatay ang TV matapos marinig ang mga huling sinabi ng reporter dahil sa takot. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ka-chat ko lang si Aeron kanina, at ngayon wala na siya. Sino naman ang posibleng pumatay kay Aeron?

Kinuha ko ang phone ko at mabilis na hinanap ang posibleng may kinalaman sa kanyang pagkamatay.

Sana mali ang hinala ko. Sana hindi siya.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon