Zhavie POV
"Salamat po ulit," nakangiting sabi ko sa mga pulis. Minabuti kong huwag nang palakihin ang nangyari dahil buhay pa naman ako.
"Ano ba namang klaseng banyo ito, mukhang haunted!" saad ko nang doon ako dumiretso ako sa public cr sa terminal. Patay-sindi ang ilaw, mukhang ako lang din ang nandito. Wala na akong nagawa kundi pumasok. Hindi ko na kering magpigil, 'no!
"Ay aswang!" sigaw ko nang makita ang hitsura ko sa malaking salamin matapos makalabas ng cubicle. Hanggang sa magulat ako nang may biglang pumasok. I secretly looked at the person next to me. Nakayuko siya at nakasuot ng sumbrero, pansin ko rin ang pagkakapareho nila ng amoy ng pabango ni Devon.
Nararamdaman ko ang paglapit niya kinakabahan ako kaya agad kong kinuha ang bag ko. Pero agad niyang tinakpan ang ilong at mata ko. Teka, hihimatayin ata ako dahil sa amoy ng panyo.
Rhea's POV
"Nasaan na kaya iyong bruhang iyon?" Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa hindi pagsagot ni Zhavie sa mga mensahe at tawag ko. It's almost 12 AM! Ang dami ko nang naiisip, pakiramdam ko may nangyari nang masama sa kaniya pero huwag naman sana. Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka nakalimutan lang niya ang bilin kong balitaan ako sa oras na makarating siya sa bus station, o puwede ring baka walang baterya ang phone niya kaya hindi siya sumasagot.
"Bahala na! Pupunta na lang ako ng terminal!" Napatigil ako sa pag-lock ng pinto nang maalalang oras na pala ng curfew. Lagot nanaman ako nito kapag nahuli ni Ate Badet! Shit! Anong gagawin ko? Ano kaya kung dumaan at tumalon na lang ako sa bintana? Pwede ring i-untog ulo ko sa pader para dumugo sabay rason na pupunta ako ng hospital! O si Ate Badet na lang kaya ang i-untog ko sa pader para ilang oras siyang tulog?
Nakapikit na ang isang mata ko habang pababa ng hagdan. Ewan ko kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil ba sa iniisip kong may nangyareng masama kay Zhavie? O dahil sa iniisip kong mahuhuli ako ni Ate Badet? Tangina. Bahala na! Muntik pa akong mahulog dahil sa pagmamadali. At ang masama pa nun eh nabitawan ko ang phone ko. Kaya agad ko itong pinulot sa sahig. Pero ang pinakamasama mukha ni Ate Badet ang nakita ko pagkatapos kong pulutin ito.
"At saan ka naman pupunta?" Pagtataray niya.
"Ah.. diyan lang sa ano, hehe." Napakamot ako sa ulo. Lintik naman, o! Anong irarason ko sa kaniya?
She raised a voice. "Sagot! Tatakas ka nanaman, 'no?"
"Lalabas ako."
"Lalabas? At saan ka naman pupunta aber?"
"Basta.. may emergency," I answered, letting out a sigh.
"Emergency? Anong emergency?! Bawal nang lumabas!"
Napapadyak ako dahil sa inis. "Aish! Kailangan ko talagang umalis, ate Badet!"
"Hindi pwede! Bumalik ka na sa kwarto mo. Alam mo ang patakaran dito, Rhea. Tigas nanaman ng ulo mo!"
"Ate Badet naman," wika ko sabay kuha ng kanang kamay niya na dahilan upang magulat siya. "Please, palabasin mo na ako. Emergency lang talaga. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa kaba."
"Ha? Bakit?" agad nag-iba ang timpla ng mukha niya.
"Hindi pa kasi nagre-reply si Zhavie. Sabi ko i-update niya ako kapag nasa bus station na siya pero ni isang tuldok wala. Kanina pa iyon umalis dito, tignan mo mag aalas-dose na. Please? Tatanawin kong utang na loob 'to. Kailangan ko lang talagang pumunta ng bus station dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya..."
"Kapag may nangyareng masama? Oh ano???"
"Hindi ko kakayanin. Siya lang ang kaibigan ko kaya sige na Ate Badet palabasin mo na ako. Promise magiging mabait na ako sa'yo. Hindi na rin ako tatakas. Hindi na ako magiging pasaway."
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Genç KurguWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...