GC 96

3.1K 153 128
                                        

"Sus! Baka may something talaga sa inyo ni Lander, ha? May pa-special dala ng lunch, e."

Natawa akong umiling dahil sa komento ng ka-grupo ko bago kami maghiwalay nang makarating kami sa university exit. Matapos magdala si Lander ng pagkain para sa'kin, inaya niya akong kainin namin 'yon sa cafeteria. Pero dahil sa sobrang pagka-intriga ng mga ka-grupo ko, sumama na rin sila.

Ramdam kong may nais sabihin si Lander kanina, pero hindi niya magawa dahil sa ingay nilang lahat tungkol sa nalalapit na kaarawan niya. Ang ending, kahit 'yong mga hindi naman imbitado, inaya na rin niya at magpapadala raw siya ng invitation cards sa kanila.

Axiel was supposed to bring lunch for me like he said earlier, but I texted him again and told him not to bring anything since we were already eating. Hindi na siya nagtanong, pero sinabi niyang susunduin na lang daw niya ako at ihahatid pauwi pagkatapos ng group project namin.

"1st!" tawag ko sa kanya nang makita siya sa car park na halos kararating lang din.

"20th," he said softly. Napasuklay siya sa buhok gamit ang kaliwang kamay, habang ang kanan naman nakalagay pa rin sa bulsa ng shorts niya.

He was dressed in a black Stussy shirt and black cargo shorts, paired with a silver Longines Conquest watch. Ang hilig niya talaga sa itim.

"Kanino 'tong helmet? Mukhang pangbabae," tanong ko, napansin ko kasi ang kulay at disenyo bago umangkas sa sports motorbike niya.

"I forgot to bring an extra helmet, so I bought one for you earlier."

"Eh? Gumastos ka pa tuloy," I replied as he placed the helmet on my head.

"Money's never the issue," he chuckled. "And I'd spend mine any day on you.

He then started putting on his own helmet. Bakit sobrang pogi niya habang ginagawa 'yon? Kaloka! Nababaliw na ata ako.

"Yakap ka sa akin. Baka mahulog ka sa motor, dapat sa akin lang."

"Putragis, Axiel! May sapi ka ba? Kailan ka pa natuto sa mga ganiyan?" natawa kong tanong. Tinuruan siguro siya ni Rexord ng mga katarantaduhan!

Magsasalita pa sana ako, pero agad niyang hinila ang kamay ko papunta sa beywang niya kaya mahinang umuntog ang pisngi ko sa likuran niya. Ang bango! Amoy virgin talaga, huhu.

Nagmamadaling umalis si Axiel nang makarating kami sa dorm matapos siyang makatanggap ng tawag. Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya ang plano kong lumuwas ng probinsya upang kunin ang sinasabi ni Stacey na flash drive na naglalaman ng impormasyon tungkol sa totoong nangyari kay 5th. Mas maganda na rin sigurong kasama ko si Axiel sa araw na 'yon dahil siya rin naman ang mag-aabot kay Blaster.

Dumiretso ako sa unit ko at naligo. Sa convenience store ko na lang balak kumain ng light dinner dahil masyado na akong pagod upang magluto. Dalawang araw ng sarado ang unit ni Rhea kaya hindi ko siya magawang makausap ng maayos. Kahit sa chat, hindi siya nagse-seen o nagre-reply.

Nagulat ako nang makababa ng hagdan matapos makita sina ate Badet, kasama si kuya Ramon. Nagsusubuan pa sila ng spaghetti! Hays! When kaya?

"Sana all sinusubuan," kumento ko habang pinapanuod sila.

"Anong 'sana all' ka riyan? Hindi ka ba sinusubuan ni... ni Axiel?" tanong ni ate Badet matapos punasan ni kuya Ramon ang bibig niya gamit ang tissue.

Hindi na ako nagulat nang mabanggit niya si Axiel dahil matagal na pala silang magkakilala, pati na rin sina Blaster. "Wala kaming label nun, ate Badet. Nauna pa nga kayong magkaroon, e. Ano na ho bang label niyo?"

"Anong label label?!" napataas ang boses niya. "Wala akong alam sa mga ganiyan. Babes, ano ba 'yon?" humarap siya kay kuya Ramon.

Mas nagulat ako nang marinig na alam pala ni kuya Ramon ang tungkol doon, at mukhang updated pa siya sa mga detalye dahil sa mga sumunod na kwento niya. Hinayaan ko na lang muna sila at nagpatuloy sa paglalakad upang dumiretso sa convenience store.

Group Chat (GC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon