GC 46

27.6K 1.3K 2.2K
                                    

Ang dami namang epal sa buhay ko. Una si Axiel, ngayon naman si Alex!

Daig ko pa ang zombie kung maglakad habang papasok ng dorm. Pakiramdam ko wala nang natirang enerhiya ang katawan ko, parang mas lalo akong nanghina sa ininom kong kape.

"Sorry! Sorry!" saad ko nang biglang may bumangga sa likuran ko, ngunit hindi na ako nag-angat ng tingin.


Teka! Hindi ko naman kasalanan pero bakit ako ang humihingi ng sorry?

Napatalon kaagad ako sa kama at niyakap ang unan nang makarating ako sa unit ko. Lumipas ang ilang minuto nang mapagdesisyonan kong matulog muna.

"Sino ba 'yan? Istorbo!" Wala pa ata sa isang oras ang tulog ko, ngunit naalimpungatan kaagad ako dahil sa malakas na pagkatok.

Ito na ata ang pinaka awkward na ngiti ko nang bumungad sa akin ang may-ari ng dorm na si Ate Badet. Maniningil ba siya? Katatapos ko lang magbayad ng renta last week, ah.

"Good afternoon—" Hindi niya ako pinatapos, napapikit na lang ako nang bigla siyang sumigaw.

"Hindi ka ba marunong sumunod sa simpleng batas dito? 'Di ba ang bilin ko, bawal magpasok ng lalaki sa loob ng dorm? Girls' dorm 'to, Zhavie! Kung gusto mong magsama ng lalaki, lumipat ka na lang! Mga pasaway talaga kayo!"

Nagising ang dugo ko dahil sa boses niya. Hindi na ako magtataka kung bakit bawal ang lalaki rito dahil man hater siya, pero teka? Wala naman akong pinapasok na lalaki, ah?

"Anong ibig niyong sabihin, ate Badet? Wala akong kasamang lalaki. Mag-isa lang akong umuwi, kaya imposible naman po 'yan, hehe."

Tumaas ang kilay niya habang napakamewang. "Wala? Huwag ka na ngang magsinungaling! Kitang-kita ka ni Rhea!" 

"Rhea? 'Yung nasa 212? Hala, wala po talaga akong kasamang lalaki mamatay man ako ngayon."

"Heh! Ewan ko sa inyong mga pasaway kayo! Kung ayaw mong sumunod sa simpleng batas dito sa loob ng dorm, umpisahan mo nang ligpitin 'yang mga gamit mo at lumayas ka rito," aniya sabay alis.


"Hmp! Sungit!" bulong ko. Sino namang lalaki ang isasama ko rito? Boyfriend nga wala ako, saka wala rin akong kaibigang lalaki na taga-rito.

Mapuntahan nga iyang Rhea na 'yan!

Kumatok ako sa unit niya, at minuto ang lumipas bago niya buksan ito. Amoy na amoy ko ang alak sa bunganga niya nang magsalita siya.

"Hello! Ikaw pala," nakangiti niyang bungad. "Zhavie, right?"

Tumango kaagad ako at ngumiti pabalik. "Hi. May itatanong lang sana ako."

"Sure, ano 'yon?"

"Bakit mo naman sinabing may kasama akong lalaking pumasok ng dorm? Wala naman, e. Pinapagalitan tuloy ako ni ate Badet."

"Ha? E, may kasama ka naman talaga. Tinanong ko pa nga si Ate Badet kung boyfriend mo 'yon. Infairness, ha! Ang gwapo!" she giggled, laughing.

"Lasing ka nanaman, 'no? Wala akong kasamang lalaki, baka namalikmata ka lang."

"Mayroon kaya! Pero hindi ko sinasadyang isumbong ka; nadulas lang! Saka gusto ko lang talagang malaman kung syota mo 'yon. Hindi ako maka-move on, sobrang gwapo, friend!"

"Ha? Wala naman akong kasamang lalaking pumasok ng dorm. O baka naman nakakakita ka ng multo?"

Pati ba naman multo sinusundan ako? Ang ganda ko naman kung ganun!

Natawang hinila ni Rhea ang kamay ko, "Halika muna rito sa loob, baka kung ano pa mangyari sa niluluto ko."


Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng unit niya nang makaupo ako sa sofa. Nakakalat ang mga bote sa sahig, ilang mga kaha rin ng sigarilyo ang nakita ko. Kaloka, araw-araw ba siyang ganito? May mabigat ba siyang dinaramdam o alcoholic lang talaga siya?

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon