GC 72

23.7K 886 1.9K
                                    

My jaw dropped as I entered Axiel's three-storey house. It was well-maintained by the caretakers kahit old mansion na ito. Napapaligiran ito ng chandeliers at old paintings. First floor pa lang pero ang taas na ng ceiling, nakakaloka!

"Itong bahay niyo, mag-isa mo lang talaga rito? Bukod sa caretakers?"

"Yeah. My parents are dead." Casual netong sagot tsaka sinuklay pataas ang buhok. "Sit." Aniya.

Inilibot ko ulit ang mga mata ko matapos akong maupo sa sofa. Sa penthouse raw siya madalas tumuloy kaya caretakers lang ang naiiwan dito. Ang awkward tuloy, walang iba tao sa loob bukod sa amin dahil pinag-off niya muna ang mga ito.

"Sino 'to?" tanong ko nang mapatitig sa malaking picture frame na nakadikit sa pader. Pareho silang nakaupo ng batang lalaki roon, ngunit hindi niya ito kamukha.

"He's my brother... and these are my parents," turo niya sa mag-asawang nakatayo sa likuran nila.

"Babae ba 'tong kapatid mo o lalaki? Naka-ponytail kasi. May trust issue ako, e. Ganito 'yong bata malapit sa dorm ko, lalaki pumorma pero babae pala," sunod-sunod na daldal ko.


"Boy. His name is Steventeen Pheorez."

I smiled. "Ang ganda ng pangalan."

Muli akong tumayo upang titigan ang mga litraro. His mom looked elegant in a flowing white maxi dress with delicate lace details. Ang ganda at bait niyang tignan! Iyong tipong makakasundo mo agad, basta magmano ka lang. His dad appeared stern, wearing a well-tailored gray suit. May pagka-singkit ang mata. Despite his strict and intimidatig aura, a slight smile hinted on his lips.

Lihim akong natawa nang makitang si Axiel lang ang hindi nakangiti. Siguro'y nasa highschool pa lang siya nito, mas masungit siyang tignan ngayon.

"Zhav, just wait me here. I'll just change my clothes."

I just nodded and relaxed my body in the sofa. Bakit ayaw niyang tumira rito? Mas maganda ba sa penthouse? Sayang naman 'tong mansyon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag habang naghihintay sa kaniya. Hanggang sa magsalubong ang kilay ko nang bigla akong makatanggap ng mensahe galing kay 11th.

 Vince Vince sent a message

Vince Vince
*poging vince is waving at you*

Vince Vince
Ay sorry natapakan hehe.

Vince Vince
Hi Cutie. Happy Vincetines day!

Zhavie Fuentes
Vincetines day?

Vince Vince
Birthday ko kasi ngayon. Feb 14 tsaka valentines day rin kaya Vincetines day hehe. Di mo ba ako babatiin?

Zhavie Fuentes
Ay halaaa birthday mo? Happy birthday hehe enjoy your day

Vince Vince
Wala bang i love you o kiss diyan? Baka naman? Hehe.

Zhavie Fuentes
Che!

Vince Vince
Pero thankyou Ms. Idiot ko. Haha! Anong regalo mo sa akin?

Zhavie Fuentes
Kakyutan ko, pwede na ba yun?

Vince Vince
Di pwede kasi cute na ako hahaha! Pwede bang ikaw na lang?

Zhavie Fuentes
Hangin mo talaga sige pagbigyan kasi birthday mo hmp!

Vince Vince
Pagbibigyan mo akong ikaw na lang ang regalo ko?

Zhavie Fuentes
Hindi, pagbibigyan kita na cute ka hehe. Yan na regalo ko.

Vince Vince
Ikaw gusto ko eh. :<

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon