Halos matanggal ang buhok ko dahil sa higpit nang pagsabunot ko. Ewan ko rin ba talaga kung anong nakain ko at sinunod ko ang utos ni 1st. Anong gagawin ko ngayon?!
Nakayuko akong pumunta ng kusina habang nag iisip ng pwedeng gawin. Dalawa lang ang mapagpipilian ko. Sasaktan ko ang sarili ko o mananakit ako ng iba. Ayukong saktan ang sarili ko pero ayuko ring manakit ng iba. Hays! Wala akong choice. Napatingin ako sa kutsilyong nakalapag sa mesa kaya kinuha ko kaagad ito.
Pinag-iisipan ko kung anong magandang gawin sa kutsilyo na 'to. Pero lahat ng pumapasok sa isip ko ay parang hindi ko kayang gawin. Napahinto naman ako ng makitang nilalanggam 'yung tirang kanin sa lamesa. Tila parang may pumasok kaagad na ideya sa isip ko ng makita ang naparaming langgam. Humanda kayo ngayon mga langgam! Magtutuos tayo ngayon!
Pumunta kaagad ako sa kwarto upang kunin iyong spray para sa mga insekto, balak ko kasing i-spray iyon sa mga langgam para mamatay sila. Shet, ang brutal ko, at the same time ang talino!
Hahaha! Mukhang nagkakasundo kami ng utak ko ngayon.Pinicturan ko kaagad iyong mga napatay kong langgam dahil alam kong ipa-pasend ni Axiel ang proof. Mauuti na lang advance ako mag-isip, hehehe!
Napatingin ako sa wall clock at may dalawang minuto na lang ako kaya agad akong bumalik ng GC.-σκοτώνω-
Zhavie: Done!
10th: Woah. Talaga?
7th: Offline pa ata si Admin eh.
1st: I'm here.
1st: Send the picture, 20th.
Zhavie: Nasaan na 'yung please?
Zhavie: Say please muna. :^)
1st: Tss!
1st: Please. Picture please.
You sent a photo
8th: Seryoso?
11th: Hahahahahahahaha.
16th: Pinagtitripan mo ba kami?
1st: 20th!!!!!
Zhavie: Ay wow. Galit ka? Nagsend na nga ako diba?
1st: Binubwisit mo talaga ako??
1st: Not today, 20th!!
Zhavie: Kalma.
Zhavie: Let me explain.
Zhavie: Diba sabi mo may two options lang ako? Masaktan ako o manakit ako ng iba?
Zhavie: Sinaktan ko na yung mga langgam. Pinatay ko na. Nasaktan na sila. Natigok na sila huhu.
Zhavie: Ginawa ko ang lahat kahit sobrang sakit sa sa loob ko. :( Hindi yan bukal sa loob ko no! Nakakakonsensya kaya pumatay.
Zhavie: Kaya sana makonsensya yung pumatay kay Aeron.
2nd: Hahahaha. Mamamatay na ako katatawa.
Zhavie: Hala. Seryoso ako. Kaya sige na 1st. Tanggapin mo na 'yan. May exam pa ako bukas kailangan ko pang matulog.
Zhavie: 1sssssstttttt!
Zhavie: Adminnn!!
Zhavie: Uyyyy!!
Zhavie: Ay. Seen lang. Hoy pansinin mo 'ko. :<
11th: Cute mo.
Zhavie: Thanks 11th hehe pero ayiiih! Tatanggapin na ni 1st yan, sige na 1st kasi kailangan ko nang matulog.
12th: Galit ata siya. Ikaw kasi, lol.
Zhavie: 1st na maganda o gwapo!
Zhavie: Wala kasi akong idea kung babae ka o lalaki hehe kaya magreply ka na plis!
6th: Edi matulog ka na. Bakit kasi hinihintay mo pa siya?
Zhavie: Lakampake.
Zhavie: Siya ang hinihintay ko at hindi ikaw.
Zhavie: 1sssst!!!
1st: Have a good night. My co-members.
Author's Note:
Hi~ Let's interact on my Facebook account: Vinassy Park
Add niyo 'ko, hihi.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...