I spent three days at the coffee shop with Devon because we needed to finish our final case study requirement. Natuloy naman si Rhea roon sa sinabi niyang lugar na pupuntahan niya kaya ilang araw siyang wala sa dorm. Nang makauwi siya, dala niya na ang pinangako niyang pasalubong.
Tinamad na akong magluto ng dinner kaya dumiretso na lang ako sa convenience store, dalawang siopao at chocolate drink ang pinili ko. Nakapamewang na bumungad sa harapan ko si Ate Badet nang marating ako sa unang palapag ng dorm.
"Jusko naman ho, Ate Badet! Magkakaroon na ata ako ng sakit sa puso dahil sa inyo. Lagi ka na lang nambibigla."
"Pumunta nanaman dito 'yong boyfriend mo, ano?" seryoso nitong tanong.
"Nang-iinis ho ba kayo? Hindi pa ako kumakain, baka gusto mong ikaw ilagay kong toppings dito sa siopao," pagbibiro ko.
Agad niya akong tinaasan ng kilay habang mabilis na gamit ang pamaypay dahil sa init.
"Biro lang ho. Napakaseryoso mo naman, ate Badet. Kaya walang sumusubok manligaw sa iyo, e. Sinong palang boyfriend 'yan? Bakit hindi ako updated?"
"Yung lalaki. Naaalala mo yung nakuwento ko sa'yo na nakita ni Rhea? Nakita kong may lalaking nasa labas ng kwarto mo. Ikaw talagang bata ka! Di ka sumusunod sa utos ko." Aniya.
Kumunot ang noo ko bago itanggi iyon. Kaloka! Bakit siya pa ang unang nakaalam na may boyfriend ako kaysa sa sarili ko?
"Boyfriend mo 'yon, hindi ba? Umamin ka!"
"Boyfriend?! Wala nga akong boyfriend! Hindi pa nagiging kami nung crush ko eh. Kapag naging kami na update kita hehe."
"Weh? E, boyfriend mo 'yon. Umamin ka na kasi!"
"Eh wala nga akong boyfriend! Ate Badet ha! Pinagmumukha mo talagang wala akong boyfriend eh no! Triggered na triggered na ako!" Sigaw ko.
"Ha? Ano yung triggered? Pero heh! Nevermind. Umamin ka na kasi Zhavie!"
"P*t@ng1na Ate Badet!!! Wala nga akong boyfriend!!!!" Sigaw ko.
Ewan ko kung nagpigil ba siya ng tawa matapos akong sumigaw dahil nag-iwas kaagad siya ng tingin habang gumagalaw ang balikat. Ano bang trip niya? Sawa na ba siya kay Rhea kaya ako ang sunod na tinatalakan niya?
"Relax ka lang. Hinuhuli lang kita," mahinahon nitong tugon.
"Hmp! Bahala ka nga riyan, Ate Badet. Huwag mo 'kong kakausapin. Kapag maniningil ka talaga ng renta who you ka sa akin!"
Ewan ko ba rito kay ate Badet, hindi maintindihan ang ugali. Ganyan talaga siguro kapag tumatanda. Minsan gusto niyang ka-level 'yong mga ka-edad naming kausap niya kaya ayaw patawag sa 'po' at 'opo' dahil masyado raw siyang magmumukhang matanda. May mga araw naman na galit siya tuwing kakausapin mo na parang tropa lang.
Nilabhan ko muna ang uniform ko nang matapos kumain bago dumiretso sa kwarto. I opened my laptop and scanned some files. Malalim akong bumuntong-hininga habang inaayos ito. Mabuti na lang at tapos na ang group project tungkol sa medical mission na pinuntahan namin noong nakaraan kaya individual reporting at case study na lang ang natitira.
Binuksan ko kaagad ang Messenger at nagbasa ng updates sa GC galing sa mga kaklase ko. Kaming block daw ang mauuna sa individual reporting kaya mas lalo kaming kinabahan. Bakit ba masyadong favorite ni Lord ang block namin? Kaloka!
Bangayan nina 11th at Rhea ang nadatnan ko sa isang GC nang buksan ito. Ano nanaman kaya ang pinag-aawayan ng dalawang 'to? Wala pa ngang isang linggo si Rhea sa GC pinagtitripan na kaagad ni 11th.
-σκοτώνω-
10th: Good evening, gutom na ako walang ulam 😢

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Fiksi UmumWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...