GC 33

26.7K 1.2K 275
                                    

Nakahinga nang maluwag si Aeron matapos siyang iwanan ng taong gustong pumatay sa kanya. Ngunit hanggang ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganoon ang reaksyon nito at agad siyang iniwan na parang walang nangyari. Aeron couldn't figure out who had attacked him, but he had a suspect in mind.

A person who desires his death.

Paika-ika siyang naglakad patungo sa kanyang kotse, hanggang sa mapasabunot ito sa buhok nang makitang walang baterya ang kanyang telepono, kaya wala siyang nagawa kundi ibalik ito sa bulsa.

Pawis na pawis siyang pumasok sa loob ng kotse. Bago pa niya mapaandar ang sasakyan, bumungad sa kanya ang isang hindi inaasahang pangyayari. Someone covered his eyes and immediately tied his hands behind his back, preventing him from moving and seeing the person in front of him.

"Sino ka? Pakawalan mo 'ko!" Aeron shouted in pain.

The person laughed, "Kapag sinabi ko ba kung sino ako makakatakas ka?"

Sandaling napatigil si Aeron sa kaniyang narinig. "Your voice is f-familliar."

"Too bad. Boses ko lang ang kilala mo."

"Anong balak mong gawin?! Tanggalin mo 'to! Gago ka!" sigaw ni Aeron.

Natawa nang malakas ang kausap nito dahil sa narinig.

"Ba't nagagalit ka? Meron ka ba ngayon? Ay. Oh... Meron ka nga siguro, dumudugo paa mo eh." Pag bibiro neto. Tsaka pinisil ang dumudugong paa ni Aeron.

"Ahhh! Aray!" sigaw ni Aeron dahil sa sakit. Patuloy na umaagos ang dugo mula sa kaniyang mga paa. "Tama naaa! Tulungan niyo 'ko!"

"Hahahahaha! Sige! Magmakaawa ka pa, gusto ko yan."

Sandaling tumahimik ang paligid hanggang sa makarinig siya ng pamilyar na tunog.

"A-ano 'yan?" Aeron asked, shaking

"Hmm, hulaan mo. Magbibigay ako ng tatlong clue. First clue, itong hawak ko ngayon.. mabigat at gawa sa bakal."

"Seryoso ka ba? Wala akong panahon sa mga sinasabi mo!" reklamo ni Aeron.

"Second clue. Ginagamit sa aso."

"Pakawalan mo ako rito!" pagpupumiglas ni Aeron.

"3rd clue. Gagamitin ko para sa'yo. Hahahaha" Nakangisi netong sabi habang nakatingin kay Aeron.

"Do.. dog chain," nanginginig na sagot ni Aeron.

"F*ck! Ang talino mo talaga!" napapalakpak niyang sabi.

"Anong g-gagawin mo riyan?" napalunok nitong tanong.

"Diba, matalino ka? Sagutin mo nga 'tong tanong ko. Sa tingin mo ba. Maliligtas ka ng Diyos mo sa gagawin ko sa'yo?" Tanong neto tsaka humagalpak ng tawa.

"Ta...tama na. Humihingi ako ng t-tawad sa naging desisyon ko!" saad ni Aeron habang namimilipit sa sakit dahil sa nakapulupot na dog chain. The person tightened the chain even more, making it harder for Aeron to breathe. Hindi nito maiwasang matawa habang pinapanood ang reaksyon niya, lalo na nang muling pumasok sa isip nito ang mga nagawa ni Aeron.

"Anong pinagsasabi mo? Tawad? Wala ka sa palengke para humingi ng ganyan! It's too late!"

"N-nasasakal ako." Mahinang sabi ni Aeron habang namimilipit sa sakit.

"Ano! Sige magdasal ka na! Maililigtas ka ba niya? Ha?! Hindi diba?! Hindi ka niya maililigtas! Dahil wala siyang inililigtas!" Inis na sabi neto at mas lalong hinigpitan ang paghawak niya sa dog chain upang lalong masakal si Aeron. Tawang tawa pa ito habang nakikitang namimilipit sa sakit si Aeron.

Napapapadyak ang paa ni Aeron dahil sa mahigpit na pagsakal sa kanya. "Magdasal ka na dali. Baka sakaling pumunta siya dito at iligtas ka niya. Hahaha!" Pang aasar neto. Napatigil naman siya sa pagtawa ng makitang hindi na nagsasalita si Aeron.

Tinanggal niya ang panyong nakatakip sa mata ni Aeron upang kumpirmahing wala na itong buhay. "Now you had an idea of how someone could scream for help, hoping to be saved, but no one came. You didn't deserve mercy, Aeron."

"Goodbye Aeron. See you soon, In Heav--Hell." Saad neto tsaka lumabas ng kotse. Napangisi pa siya habang paalis tsaka inayos ang kanyang suot na sumbrero.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon