GC 54

36.2K 1.4K 3.3K
                                    



Halos maibato ko ang unan ko dahil sa inis. Alas-siyete pa lang ng umaga pero akala mo'y may nangyayari gulo dahil sa lakas nang pagkatok. Sino kayang nambubulabog ng ganitong oras? Ang sakit pa naman ng ulo ko dahil sa ininom namin ni Rhea kagabi.

"Teka lang! Punyeta!" Sigaw ko dahil sa tuloy tuloy na pagkatok.

"Good morning friend!" Masayang sabi ni Rhea ng mabuksan ko ang pinto.

"Friend?! Friend?!! Umagang umaga mambubulabog ka para sabihing good morning friend?!" Sigaw ko.

Natawa niyang tinapik ang balikat ko. "Umagang-umaga galit ka na. Kalma lang!"

"E kasi naman, 7 a.m. pa lang. Sakit pa naman ng ulo ko," napahawak ako sa sintido.

"Hangover 'yan. Ikain mo lang saka mainit na sabaw. Sabay na tayo mag almusal sa convenience store."

"Ayoko, kulang pa ako sa tulog. Ikaw na lang muna," babalik na sana ako sa kwarto nang bigla niya akong pigilan.

"Teka teka teka! Tara na kasi sabay na tayo."

Umiling ako, "Pass muna, tinatamad ako."

"Libre ko. Tara na! Kahit ano." Nakangiting sabi niya.

"Ok go! Wait lang friend maghihilamos at toothbrush lang ako. Ikaw kasi di mo sinasabi kaagad. Hindi ako tumatanggi sa libre hehe. Pasok ka muna, friend. Hehe!" Sagot ko.

"Magic word talaga iyong libre e, 'no?" natawa siyang sinundan ako sa paglalakad.

"Dito ka muna sa kwarto ko. Pasensya na kung makalat ha. Tinatamad kasi ako maglinis. Ay! Wait. Kailan ba ako sinipag? Hahahaha. Hilamos lang ako ha?"

Inilibot lang ni Rhea ang mga mata niya sa kabuuan ng kwarto ko. Nang makalabas ako sa banyo, hawak na niya ang kwintas na napulot ko habang may subo siyang lollipop na nasa kabilang pisngi nito.

"Shet, ganda nitong necklace. Ang unique tignan. Sa iyo ba 'to? Bakit hindi mo sinusuot?" tanong niya habang abala ako sa pagsusuklay ng buhok.

"Hindi 'yan sa'kin. Napulot ko lang yan. Nahulog nung lalaking nakabanggaan ko diyan sa baba. Malapit sa store." Sagot ko.

"Lalaki? Eh ba't parang pambabae naman 'tong necklace?"

"Hula ko lang, feeling ko lalaki iyong nakahulog, e."

Tinignan naman niyang mabuti ang Silver na necklace at nagsalita. "Ano kaya 'tong maliit na nakasulat sa likod Dalawang V ba 'to? Na magkadikit?"

"Huh? Patingin nga." Saad ko sabay hablot ng necklace. "Gaga! Anong V na magdikit. Letter W yan. Tignan mong mabuti. Pag binaliktad mo. Letter M." Saad ko sabay balik ng necklace sa kanya tsaka pinagpatuloy ang pagsuklay.

"Hay nako, Zhavie!" humagalpak siya ng tawa. "Paano naging letter W 'to? Hindi naman talaga nagdikit 'yong letter, saka anong letter M ka riyan?"

"Ang sinasabi ko kapag binaliktad yung W nagiging letter M. Try mong baliktarin yan." Utos ko sa kanya. Binaliktad naman niya ito tsaka ako nagsalita. "Oh diba! Letter M! Hahahaha!"

"Paano nga magiging W o M yan eh hindi nga sila magkadikit. Tignan mo may space yung dalawang letter."

"Malay mo kung nabura. Hindi naman ata bago 'yang necklace, mukhang luma na. Teka! Bakit ba natin pinag-aawayan 'yan? Bumaba na kaya tayo."

Nakasalubong namin si Ate Badet sa gate kaya ilang segundo kaming napatigil. Nag-irapan pa ang dalawa ngunit walang nagsalita sa kanila. Buong akala ko'y bubungangaan pa kami nito, pero nagpatuloy lang siya sa paggupit ng mga damo.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon