Devon: Excuse mo 'ko bukas. I'm sick huhu
Zhavie: Weh? O makikipagdate ka lang?
Devon: I'm serious. Kahit pumunta ka dito kung ayaw mong maniwala.
Zhavie: Hehe biro lang!
Devon: Magpapahinga lang ako. Bye bye.
I stared at my wrist watch, late na pala! Itinulog ko kasi kanina nang makauwi ako dahil sa sobrang pagod. Hindi ko na rin nagawang magbihis, wala na kasing natirang lakas sa katawan ko kaya't suot ko pa rin ang uniform ko.
Sunod-sunod ang notifications sa GC kaya agad kong binuksan ito pagkatapos kong magpalit ng damit. Lalo pa akong naiintriga at gustong magtanong sa kanila dahil sa kasalukuyang topic nila.
-σκοτώνω-
8th: Kaloka 'yang chika mo 10th, ha!
Zhavie: Hellooo. Pwede magtanong?
11th: Nagtatanong ka na. Hahaha!
Zhavie: Funny.
13th: Ano 'yun?
Zhavie: Matagal na ba 'tong gc?
13th: Yup, may mga first batch pa nga raw sabi ni 1st.
Zhavie: So kilala magkakakilala kayo?
10th: Hindi, hindi kami magkakakilala at hindi pa namin nakikita ang mukha ng isa't isa.
2nd: Tsk hahaha!
Zhavie: Paano kayo nasama sa gc na 'to?
11th: Ewan ko nga rin, paano ba? Hahaha!
6th: Inadd kami malamang.
Zhavie: So wala talaga kayong idea? How about names? Sinadya niyo ba 'yan?
11th: Sinadya ba natin guys? Hahaha.
Zhavie: Umayos ka nga ng sagot, 11th! Ilang taon ang pinakabata at pinakamatanda dito?
7th: 17 ang pinakabata. We don't have any idea kung ilang taon pinakamatanda.
Zhavie: How about admin? Babae ba siya o lalaki?
10th: Hulaan mo
13th: Boy
15th: Girl
11th: Bakla
1st: Shut up, 11th!
10th: Hahaha! Joke lang, pero wala kaming idea kung babae ba siya o lalaki, hehe.
10th: But the 'Axiel' name, what do you think? Panlalaki, di ba?
10th: WAHAHAHAHA my lord.
Zhavie: My lord?
12th: Malay niyo fake name. Haha!
12th: Babae 'yan si admin, may kilala nga akong Axiel na babae. Axiel Joyce pa nga name.
13th: Boy si admin mga ulol. Ang obvious!
12th: Pero feeling ko talaga babae si 1st.
16th: Ang lalakas ng trip niyo HAHAHA!
8th: Same here, 12th.
2nd: Ako rin haha. Babae!
7th: He's a boy.
6th: Girl
9th: Boy.
Zhavie: Ano ba talaga?
1st: Bakit ba kasi tanong ka ng tanong???
Hindi ko pa rin matukoy kung babae o lalaki si Axiel ngunit mukha naman siyang straight dahil sa reaksyon niya. Alam kong walang balak magsabi si Axiel ng kahit anong tungkol sa kaniya kaya kailangan ko pa siyang intrigahin upang sakaling mapaamin.
I'm really curious to know what kind of person Axiel is, lalo na ang kasarian niya.
Zhavie: Gusto ko lang malaman. Masama ba yon? Ano naman ngayon kung bakla ka nga? :D
10th: Lakas ng amats mo 20th HAHSHADHA
1st: Shut up. Daldal mo!
Zhavie: Hmm bakla ka nga siguro hehehe.
1st: Stop calling me gay if you don't fcking want to get pregnant and die
Ewan ko kung matatawa o matatakot ako sa binigay niyang hint. Ngunit isa lang ang ibig sabihin noon—mukhang lalaki nga siya.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series #1)
Mystery / ThrillerGroup Chat tells the story of Zhavie Fuentes, a girl who was living a mundane life until she was added to a mysterious group chat named σκοτώνω. Little did she know that becoming a member would change the course of her entire life. ARE YOU READY TO...
