Zhavie's POV
"Ito, bagay na bagay kay Papa!" Kinuha ko agad ang polo shirt at sinilip ang size nito. Ito kasi ang unang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob ng department store.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang itim na jacket. May hoodie pa iyon kaya hindi ko napigilang mapangiti nang maalala ko bigla ang lalaking nakilala ko kina Aeron. Nasaan na kaya siya? Malala na 'to—napapangiti na ako.
Akala ko'y makakasunod si Devon dito sa mall, pero napuyat daw siya dahil hatinggabi na umuwi mula sa bar. May plano pa naman sana kaming sabay mamili ng mga bagong damit. Binayaran ko na lang agad ang mga nakuha ko at nagdesisyong dumiretso sa isang milk tea shop sa loob ng mall.
"Pa-add na lang ng isang blueberry cheesecake. Thank you," nakangiting sabi ko sa crew.
Inayos ko ang anim na paper bag sa napili kong table. Sinagad ko na ang pamimili dahil may sale, lalo na't minsan lang naman ako mag-shopping. Muli akong nagpasalamat sa crew nang dumating ang order ko. Best seller daw ang blueberry cheesecake nila, kaya iyon agad ang sinimulan kong kainin.
Muli kong kinausap si Devon sa video call at ipinakita ko rin sa kanya ang mga napili kong damit. Kung wala lang daw siyang hangover, siguradong sumunod na siya rito. Nagkwentuhan muna kami tungkol sa nangyari sa bar na pinuntahan nila kung saan napaaway ang kasama dahil nahuli raw nito ang boyfriend niyang nambababae.
[Sige, Zhavie. I'll sleep na lang ulit. Sakit talaga ng ulo ko. Ingat ka pag-uwi!] paalam ni Devon.
"Okay. Take your meds!"
Binuksan ko muna ang messenger ko upang makita kong may mga messages ba ako. Hindi na ako nagulat na wala. Hays! Yung GC na lang talaga ang bumubuhay sa messenger ko. Himala na lang siguro kapag makatanggap ako ng message galing sa ibang tao. Hays! Zhavie #ForeverAlone! Makapag chat na nga lang sa GC. Pinapamukha talaga sa'kin ni messenger na single ako eh.
-σκοτώνω-
13th: Baka tulog pa yung iba? 10am pa lang eh.
8th: Siguro nga. Miss ko na si 15th.
Zhavie: Hello guys.
13th: Good morning, 20th.
Zhavie: Hello hehe morning!
3rd: morning
3rd: everyone
16th: Jwu.
8th: Hello 3rd.
Zhavie: Mukhang napuyat ka ata, 16th?
16th: Ya.
3rd: Hello, 8th. How are you?
11th: Goodmorning world!!!
8th: Pogi pa rin, dude.
3rd: Nice.
Zhavie: Hi.
Zhavie: 11th.
11th: Hello 20th. ^,^
13th: Guys. Sa tingin niyo? Ba't umalis si 15th?
8th: Ewan. Wala akong idea.
11th: Baka nga nagsawa sa joke ko.
Zhavie: Baka ayaw niya na sa GC na 'to?
16th: Baka may mabigat na rason.

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Narrativa generaleWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...