"Huwag mo 'kong tinatakot Rhea. Baka himatayin ako!" pabilis nang pabilis ang paglalakad namin dahil sa kaba.
"Totoo nga! Pakiramdam ko nasa likuran natin siya. Bibilang ako ng tatlo ha? Tapos sabay tayong tumakbo," utos niya kaya mahigpit akong humawak sa balikat niya.
"Isa....Dalawa...Tat----" tatakbo na sana ako ng bigla kaming makarinig ng sigaw mula sa likod.
"Ma'am na-naiwan niyo 'yung sukli niyo. Pagkalabas ko kasi ng restaurant wa-wala na kayo do'n." Hingal na sabi nung waiter sabay abot ng 58pesos.
Rhea, "Kuya naman, e! Sana ibinulsa mo na lang. Papatayin mo kami sa takot, jusko! Akala tuloy namin may... sige na, tip mo na lang 'yan."
"Pasensya na po ma'am. Sige salamat po. Ingat po kayo." Aniya sabay talikod.
Malalim akong bumuntong-hininga. "Kaloka naman, Rhea! Hindi mo lang alam kong gaano ako natakot. Tara na nga, curfew na natin. Mas nakakatakot pa rin si ate Badet!"
"Aba malay ko, malakas kasi akong makaramdam. Hayyy!"
"Shit! Sarado na gate," agad akong napamura nang makarating sa labas ng dorm.
"No choice. Akyatin na lang natin, Zhavie!" Nauna akong umakyat habang inaalalayan ako ni Rhea. Iniingatan kong hindi makagawa ng anumang ingay dahil 11 PM na; mahirap na kung bigla kaming mahuli ni Ate Badet.
"Ay potang--- huhuhu! Ate Badet naman eh! Nakakatakot ka! Ba't ba ganyan yung buhok mo huhu." Saad ko.
"Kakatapos ko lang maligo. Hindi pa ako nakakapag suklay." Sagot niya.
"Kadiri. Alas onse na ng gabi pero kakatapos mo lang maligo?" Pagsasalita ni Rhea. Amoy na amoy ko ang alak sa bunganga niya.
"Kadirihin ko mukha niyong dalawa dyan eh! At saan naman kayo galing ha?! At magkasama kayong dalawa? Kailan pa kayo naging close?" Bulyaw ni Ate Badet
"Pake mo ba? Umusog ka nga dyan. Dadaan kami. Inaantok na ako. Usog!" Sagot ni Rhea.
Masama ang naging tingin ni Ate Badet sa kanya kaya agad akong nagsalita. Alam ko na ang magiging ending nito. Mabuti na lang at sanay na ako tuwing nagsasagutan sila. Nag-uusap naman sila ng matino; 'yong iba tawanan pa. May mga araw lang talaga na mainit ang ulo nila sa isa't isa.
"Nakakaasar! Daig mo pa tatay ko. Legal age na kami at kaya ko na ang sarili ko. Anong gusto mo, nasa kwarto lang kami? Kung tutulad kami sa'yo, baka maging matandang dalaga pa kami kung nagkataon," dagdag ni Rhea. Lasing na talaga siya huhu.
"Hoy Rhea. Makapag salita ka! Magbayad ka muna ng renta mo!" Sagot ni Ate Badet.
Nilabas naman ni Rhea ang wallet niya tsaka inabotan ng pera si Ate Badet tsaka nagsalita. "Oh! Ayan! Sobra pa yan. Keep the change basta tumigil ka na kakatalak! Tara na nga Zhavie!" Aniya tsaka naunang naglakad.
Muli akong humingi ng tawad kay ate Badaet. Hinala ako ni Rhea paakyat sa second floor; halos matumba pa kaming dalawa sa hagdan dahil sa pagmamadali niya. Pinagtinginan tuloy kami ng dalawang babaeng nasa katapat na unit dahil sa lakas ng boses ni Rhea habang nagrereklamo pa rin dahil kay Ate Badet.
Pumasok na rin ako sa loob ng unit ko at agad humiga sa kama. Wala na akong enerhiya upang maghilamos pa. Hindi pa ako inaantok, kaya kinuha ko muna ang phone ko.
Esaelp Eid sent you a friend request
Accept Delete
Sino ba namang may gustong makipagkaibigan sa kanya? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako kinakausap, lalo na kung ano ang intensyon niya. Hindi naman siya makausap ng matino; puno ng ka-weirduhan. Isa pa, kahit posible nga ang sinabi ni Devon tungkol sa magiging basa ng pangalan niya kapag binaliktad ito, pakiramdam ko iyon talaga ang pangalan niya. Kung hindi, ang lakas naman ng effort na inilaan niya sa naisip niyang iyon!
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Genç KurguWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...