GC 36

26.7K 1.2K 871
                                        


Axiel Axiel 

👍

Zhavie Fuentes
Like lang reply mo?

Zhavie Fuentes
Uy, tinatanong kita! 

Axiel Axiel 
Stfu. 

Zhavie Fuentes
Ha? Ano 'yang stfu? 

Axiel Axiel
Shut the fuck up, you noob! 

Zhavie Fuentes 
-__- 

Zhavie Fuentes
Ikaw ba talaga ang may kagagawan nang nangyari kay Aeron?! 

√Seen9:01pm 

Zhavie Fuentes
Ay seen. 

Zhavie Fuentes
Hindi ka famous. Kaya 'wag mo akong iseen! 

Zhavie Fuentes
Oy! 

Zhavie Fuentes
Peste! Matapilok ka sana!

√Seen9:03pm 


Walang'ya talaga, ang lakas ako i-seen! Hmp! Kagigil!

Bumuntong-hininga na lang ako at tumulala sa harap ng pader. Ayokong maging judgemental pero anong magagawa ko? Sa mga nagdaang nangyari, isa lang talaga ang naiisip kong gumawa nun sa kanya, pero kahit papaano hinihiling ko na sana hindi talaga si Axiel ang pumatay sa kanya.

Lalo pa akong naguluhan dahil sa sinabi ng reporter. Paanong hindi kasama sa binanggit ang cellphone ni Aeron sa mga nahanap na gamit niya, e kausap ko lang siya nang sinabi niyang pauwi na siya?

Binuksan ko kaagad ang GC dahil sa sunod-sunod na pagtunog nito. Mukhang umabot na rin sa kanila iyong balitang wala na si Aeron.

-σκοτώνω-

2nd: Guys napanuod niyo 'yung balita?

13th: Oo. Wala na raw si 14th. 

8th: Talagaaaaa? 

16th: Really?!

2nd: Yeah, natagpuan daw siya sa kotse niya tapos may dog chain sa leeg.

4th: Who did that?

10th: Dog chain? Pfft! Haha! 

11th: Anong mali sa dog chain?

10th: wala wala haha! natatawa lang ako kasi parang ginawa siyang aso, gago haha buti naman nag-online ka na

6th: Oo nga, bakit ilang oras kang offline? 

11th: May hinatid lang ako. 

Zhavie: ADMIN!!!!! 

10th: Katakot ka naman, 20th!

15th: Galit na galit ah?

Zhavie: Basta! 1st lumabas ka dyan!!! 

1st: Tss! Ano nanaman?! 

Zhavie: Tinatanong kita tapos puro ka lang seen!

6th: OMG. Chinat mo si 1st?

Zhavie: Oo, bakit? Bawal? 

9th: Ingay. 

10th: Oh, online na rin si 9th. Diba may tanong ka sa kanya, 2nd?

2nd: Yeah, pm kita 9th. 

Zhavie: Hoy admin! 

1st: What the hell is your problem?

1st: Shut your fvcking mouth or else. 

Zhavie: Ay natakot ako.

12th: 1st! Tapos na si 16th, sunod na si 20th hehe.

16th: Kaya ngaaa. 

Zhavie: Pinagsasabi mo, 12th?

12th: Alam mo na yon, 10 pm rule.

Zhavie: Ha? Tapos na 'ko. Excuse me?

1st: Ah, right.

1st: Do it now, 20th! 

Zhavie: Tapos na ako. 

1st: DO IT NOW! 

1st: I'll give you 10 mins.

Zhavie: No thanks! Hindi ko kailangan ng 10 minutes mo.

1st: Time is running.

Zhavie: Wow may paa na pala? Anong gagawin ko? Paunahan kaming tumakbo?

Zhavie: Bahala ka nga. Magpatulog ka! Gabi na! May exam pa ako bukas!

13th: Mukhang badtrip si 1st kaya gawin mo na, 20th.

Zhavie: Kahit ikamatay mo Axiel, hindi kita susundin hanggang hindi mo ako sinasagot.

8th: Ay sis! Bet mo si Admin???

10th: Sagutin mo na kasi, 1st. Haha!

1st: @10th.. shut the f*ck up, Arcejo!

Group Chat (GC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon