GC 84

5.6K 229 133
                                    

My heart felt heavy as I stood outside our family house. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng masasaya at malulungkot na alaalang naipon dito mula pa noong bata ako. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Vincent. I opened his drawer and took a few items he might need since I'd be visiting him at the hospital later.

Napangiti na lang ako nang maglaro sa utak ko ang mga alaalang kasama si Kuya. I could still hear his voice kahit wala siya sa tabi ko ngayon. Kung paano siya tumawa, magalit, o kahit pa ang mga pang aasar at sablay na jokes niya.

Huli kong pinuntahan ang kwarto ko. Bumungad sa'kin ang malaking picture frame kung saan kasama ko sina Kuya at Mommy. I wish my dad was there, but I never met him. Iniwan na niya kami simula nung nasa sinapupunan pa lang ako ni Mommy. I never experienced a dad's love or knew what it was like to have a complete family.

Napalitan ng ngiti ang mukha ko matapos makita ang isang naka-frame na drawing. Ang regalo sa akin ni Kuya Vincent noong 14th birthday ko. Ginawa niya talagang nakakainis ang mukha ko, but he really has a talent for art, tulad ko. Sabi ni Lola, namana daw namin iyon kay Dad. Pilyo rin daw siya kaya namana ni Kuya Vincent.

"Why do I look like this in your gift, kuya? Ang laki ng mata ko, mukhang tarsier," I pouted as he walked into my room.

"Kaya nga ganiyan e, kasi kamukha mo sila," humalakhak siya.

Umirap ako at ibinato ang unan sa kaniya.

"Alam mo ba pagkakapareho ng utot saka tula?" he asked in a serious tone, so I thought it was a serious question.

Umiling ako.

"Pareho silang galing sa puwet! (poet)." Lalong lumakas ang tawa niya matapos sabihin iyon.

Tuluyan na rin akong natawa. His jokes were funny sometimes, but mostly they were just corny.

"Alam mo rin ba kung anong gulay ang best rapper? Edi... repolyow!" he said, doing rapper hand gestures.

"Pft! Ang corny na nun. Get out of my room. I'm going to sleep na. Thanks for your gift," I rolled my eyes.

He was about to close the door when he asked again, "Do you know the difference between me and the calendar in front of you?"

"Oo. Hindi siya korny," sagot ko, natatawa.

"Seryoso nga," nakanguso niyang tanong.

"I have no idea."

"Ang pinagkaiba namin ng kalendaryong 'yan marami siyang dates, ako wala. Pucha. Gwapo naman ako, ah?" napakamot sa ulo niyang sabi sabay sara ng pinto. I knew what he was talking about. Malapit na kasi ang Valentine's Day, which was also his birthday.

Lalo akong napangiti matapos maalala ang mga iyon. If there's one thing I'll miss about him, iyon ay ang mga joke niya.

Isang oras ang lumipas nang matapos ako sa lahat, lalo na sa pagsusulat sa diary ko. I decided to write there for the last time and confessed what happened that night with Lander. I've had this diary since I was a kid, ever since I learned how to write. But what had happened that night will forever be buried, kaya kinuha ko agad ang susi ng diary at nilock ito nang maayos.

I have no intention of bringing my diary with me because it belongs here. But I made sure no one could find or open it—not even Kuya Vincent.


Ilang segundo akong tumayo sa labas ng hospital room nang makarating ako kung nasaan si Kuya Vincent. Sinadya ko talagang siya ang huli kong bisitahin bago ko umpisahan ang plano ko.

"Oo, hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay," the nurse confirmed. Napatitig na lang ako sa mga dala kong gamit para kay Kuya Vincent at inihabilin iyon sa nurse kung sakaling magising na siya.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon