GC 90

4.3K 225 698
                                    

Author's Note:
#ZhaXiel shippers labas! Hahaha! Sabay sabay tayong kiligin sa chapter na 'to!

Leave votes and comments! I'd love to read them. ♡⸜(˃ ᵕ ˂ )⸝


Zhavie's POV

Hindi pa rin maalis sa isip ko si Clydeur, lalo na kung sino ang kasama niyang babae. Ngunit sa huli, nagawa ko ring isantabi iyon nang muling marinig ang boses ni Axiel habang naglalakad kami palabas ng building. Nakuha na rin niya ang pagpayag ko na sumabay sa kanya upang mag-lunch. Ngunit bago pa man kami makarating sa car park, napahinto kaagad ako.

"Axiel, teka lang! May naiwan ako sa department namin. Babalikan ko lang."

"All right, let's go there."

"Hindi, hintayin mo na lang ako rito. Mabilis lang naman ako," pagpigil ko sa kanya.

Napataas siya ng isang kilay habang nakatingin sa'kin. "Tss! May balak ka bang takasan at taguan ako?"

"Kukunin ko lang 'yong flash drive ko sa department namin kasi nandun 'yong mga kailangang i-review for finals. Heto, iiwan ko 'tong bag ko sa'yo. Babalik ako agad, promise!"

Patakbo akong umalis at dumiretso sa Nursing Department habang itinatali ang buhok ko. Paakyat na ako sa ikalawang palapag nang bigla akong mabangga ng isang lalaki. Napaatras ako, at huli na nang mapansin ko kung sino siya—si Lander pala!

"I'm sorry, are you okay?" Tanong niya. Binitawan niya ako at humawak sa bag niya, nakasuot ito sa isang balikat niya huhu ang gwapo. Nakakatunaw 'yong tingin niya.

"Ayos lang. Ikaw naman ang bumangga," kinikilig kong bulong sa sarili. Napakunot ang noo niya, tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

Muli akong nagsalita, hindi maiwasang ngumiti. "Uhm, sabi ko, okay lang."

Bumaba ang tingin niya sa'kin, at ilang segundong tumitig sa leeg ko.

"Anong ginagawa mo rito sa department namin?" hindi ko maiwasang tanungin.

"May kinuha lang. Now I'm on my way to the university gymnasium, pinapatawag ako ni Coach." Masyadong seryoso ang boses niya kaya hindi ko alam kung may problema ba.

"Ah, sige. See you around, Lander!" sabi ko, kasabay ng isang malaking ngiti.

"Yeah, see you around, Fuentes." Nauna akong naglakad palayo, ngunit agad akong napahinto nang muli niyang tawagin ang pangalan ko.

"Ano 'yon, Lander?"

Ngumiti siya, kakaibang ngiti. "Good luck..."

"Hmm? Good luck saan?"

"...on your upcoming exams," sagot niya bago tumalikod at naglakad palayo.

Patakbo akong lumabas ng building matapos makuha ang kailangan ko. Medyo natagalan pa ako dahil kinausap ako ng isang senior namin. Nakakaloka! Baka galit na si Axiel nito.

Hingal akong nakarating sa car park, nakabusangot naman ang mukha ni Axiel habang nakasandal sa kotse niya.

Nakangiti akong lumapit sa kaniya at tinawag ang pangalan niya sabay hampas sa balikat. "Tara na!"

"What's with your smile? Are you happy that I waited for almost 5 minutes? Or are you happy because you saw your crush-"

"Hehe, pwede both?" He shot me a glare, so I quickly took it back. "Joke lang! Tara na, gutom na ako."

"Hold on." He paused. "Don't smile like an idiot 'cause I know the reason behind that f*cking smile, so f*cking hide it now."

"Luh? Tara na kaya, gutom na gutom na ako baka ikaw pa makain ko," pagsusungit ko.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon