GC 21

38.5K 1.5K 817
                                    

-σκοτώνω-

Zhavie: Mukha ba akong nagsisinungaling? Kung ayaw mong maniwala di huwag!

1st: We aren't idiot, 20th. You can't fool me using your dumb skills.

Zhavie: Che! Bahala ka! Matutulog na ako.

1st: Do it 20th!!!

Zhavie: Ay! Talagang gagawin ko kahit di mo sabihin. Do it? Go! Matutulog talaga ako! Night!

13th: Ahh. Gets ko na.

6th: Huwag mo kaming pinepeke.

Zhavie: Bahala nga kayo dyan. Isipin niyo gusto niyo! Out na ako ge bye!

1st: Hey! 20th!


"Huhu, ang sakit ng ulo ko!" Napahawak agad ako sa sintido matapos maghanda upang pumasok sa university. Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng sakit ng ulo sa admin na iyon? Lalo akong nainis nang ayaw gumana ng Messenger. Kung minamalas nga naman, o! Napagamit na lang tuloy ako ng browser; mabuti na lang at nag-load agad.

Messages

σκοτώνω(347)

Devon Movilla(1)

Message lang ni Devon ang tinignan ko dahil tinatamad na akong magbackread sa GC dahil nakaparaming messages. Pinagsabihan lang ako ni Devon na huwag ko daw kalilimutang iexcuse siya kasi nga may sakit siya.

Minadali kong lumabas matapos mabasa ang chat ni Devon. Medyo malayo ang dorm sa university kaya kailangan kong mag-commute. Halos puno na kasi ang mga murang dorm malapit sa university kaya wala akong choice kundi dito na lang manatili. Overprice rin ang iba, hindi ko sila afford. Ilang taon na rin ako rito sa all-girls dorm na pagmamay-ari ni Ate Badet, isang man-hater.

Pumara kaagad ako ng jeep nang makarating sa sakayan. Hanggang sa magulat ako kung sino ang bumungad sa harapan ko.

"Dito ka na. Sasampa nalang ako sa likod ng jeep." Pagsasalita niya. Napatingin naman ako sa mukha ng nagsalita at si Lander lang pala. 'Yung lalaking tatlong taon ko ng crush. Hays! Ang gwapo gwapo niya talaga.

"Ah.. h-huwag na. Bababa na lang ako, hehe." I still get surprised whenever I see him up close. Dati, napapanood ko lang siya dahil sikat ang basketball team niya. Hanggang sa makapasok ako sa university kung saan siya nag-aaral. Mabuti na lang at naabutan ko siya dahil ang balita ko, matagal na siyang dapat graduate.

"Come on," he insisted. Humawak siya sa braso ko upang pigilan ako. "It's fine, okay? Umupo ka na, aandar na 'tong jeep."

Tumango na lang ako. Napatingin tuloy sa kaniya ang mga ibang pasahero lalo na ang mga babae. Bakit kasi ang gwapo ni Lander? He's tall, and his muscles show through his fitted white shirt. Pinipigilan ko pa rin ang ngiti ko at nakatuon ang tingin sa kanya habang pababa na kami ng jeep. Ang ending, natapilok tuloy ako! Natanggal ang isang takong ng black doll shoes ko. Wala akong nagawa kundi putulin na lang din ang isa dahil hindi ako makakalakad ng maayos kung hindi ko gagawin iyon.

Napangisi naman si Lander ng makitang tinatanggal ko ito. Ok lang kahit di masyadong pantay 'tong doll shoes ko dahil hindi naman mahahalata. Inalalayan naman niya akong umakyat ng third floor hanggang sa makasalubong namin ang kaibigan niyang ni JM. "Oh, dude! Bat magkasama kayo? Nililigawan mo ba si Zhavie? Hahaha!" Pagtawa ng kaibigan niyang tsaka kami sinabayang maglakad. Kilala ko na siya dahil isa rin siya sa basketball player dito sa campus.

Hindi naman siya sinagot ni Lander at patuloy lang na naglakad. "Ahh, siguro kayo na no?" Pagsasalitang muli ni JM.

Hearing that, I spoke, "Uy, hindi ah, hehe. Nagkasabay lang kami kanina sa jeep."

"Dude. Sa Building 3 tayo bakit dyan ka dumideretso?" nakangising dagdag ni JM.

"Ihahatid ko muna siya." tipid na sagot ni Lander.

Muling nanukso si JM bago isuot sa balikat niya ang bag ni Lander.

"Shut up, JM!" bulyaw ni Lander. Hinatid ako ni Lander kasama si JM sa may room ko kaya kinikilig ako. First time na nangyare 'to dahil kapag nagkikita kami ay hindi kami nag uusap at tanging ngitian lang ang ginagawa namin. Nag uusap naman kami pero saglitan lang.

I greeted my professor as soon as I entered the classroom. Nakatingin pa ang ibang mga kaklase ko, mukhang nagtataka sila kung bakit ako hinatid ni Lander. Kinalma ko muna ang sarili ko bago makinig sa discussion ni Prof. Salazar dahil kailangan naming isulat mamaya at intindihin ito. Nasa tabi ng pintuan ang upuan ko, at nasa harap ako kaya rinig na rinig ko ang sinasabi niya. Upuan daw 'to ng mga matatalino, naligaw ata ako.

Inirelax ko ang kamay ko pagkatapos kong kopyahin lahat dahil sobrang haba ng sinulat ko. Napahikab nalang ako habang tinitignan ang orasan sa may itaas ng pintuan ng biglang may mapadaan na isang nakapang damit na janitor at tumingin ng napakasakit sa akin habang hawak niya ang isang itim na basurahan.

I couldn't clearly see his face because he was wearing a cap pero sigurado akong nanlilisik ang mga mata niya. Ako ba tinitignan niya? Itong classroom? O baka naman may galit siya kay Prof. Salazar?

Inilibot ko tuloy ang mata ko upang makita kung malinis ba o makalat ang loob ng classroom dahil baka iyon ang rason kung bakit gano'n siya makatingin. But when I looked back at him, he was already gone. Napahinto ako sa pag-iisip nang maalalang kulay asul ang suot niya. Iisang kulay lang kasi ang suot ng mga janitor dito, at iyon ay dilaw.

Sa huli, minabuti ko na lang na huwag nang isipin dahil baka nagpalit lang siya ng damit. Bakit ba kasi ako pakialamera? Aish!

"Zhavie! May nagpapabigay sa'yo." Sabay abot niya ng isang shoe box. Napatingin naman ako sa mukha nung nag abot at si JM lang pala na kaibigan ni Lander. Nakapang basketball outfit siya ngayon. Kaya agad akong napangiti ng makita ito dahil feeling ko ay bigay ito ni Lander dahil sa nangyare kanina.

"Sino nagbigay sa 'yo? Pakisabi salamat, ha?" Nakalagay pa sa plastik iyong shoe box kaya excited akong buksan.

"Hindi ko kilala. Basta pinapaabot lang sa'yo. Baka parents mo? Hahaha!" Tanong niya

"Ha? Nasa probinsya mga magulang ko. Sino ba nag abot? Babae o lalaki?"

"Haha joke lang! Hmm. di 'ko alam eh kasi di naman siya nagsalita kaya di ko narinig boses niya kung babae o lalaki. Basta pinakita niya lang picture mo nung nasa basketball gym ako tapos nag type siya sa phone niya na ibigay ko daw yan sa'yo. Tsaka siya umalis."

"Estudyante ba siya rito?" Nakatingin lang ako sa shoe box habang naghihintay ng sagot.

"Siguro. May id, e. Iyong lace ng id niya pareho sa atin, sa ibang department siguro."

"E.. iyong name niya sa school id?" pangha-hotseat ko sa kanya. Malakas kasi ang kutob kong si Lander ang nagpapabigay kaya gumagawa lang siya ng rason upang hindi ko mahuli.

"Di ko na napansin eh. Tsaka di ko nakita mukha niya. Naka sumbrero at naka mask eh. Pero feeling ko babae kasi ang puti ng kamay." Paliwanag niya.

"So kapag hindi maputi, hindi na babae?" saad ko, na dahilan upang matawa siya. Napakamot na lang si JM sa ulo dahil sigurado raw siya, at alam niyang kumilatis ng kamay ng babae. Sa bagay, kilala naman siyang babaero rito. Sa huli, nagpasalamat na lang ako.

Umukit ang ngiti sa mukha ko habang binubuksan ang shoe box sa loob ng girls' cr. Ngunit agad napawi iyon nang makita kung ano ang nasa loob. Buong akala ko'y sapatos ang laman, ngunit iba ang bumungad sa mga mata ko.

Hindi sapatos ang laman neto kundi isang picture. Yung picture na sinend ko sa GC nung time na nagkunwari ako. Hindi lang iisang copy ng picture ang nasa shoe box kundi napakarami. Kinuha ko ang isa nun at tinitigang mabuti. Agad naman akong napatili ng makitang may mga dugo ang kamay ko pati sa loob ng shoe box na natatakpan ng mga pare parehong litrato. Sinong walang hiyang gumawa neto?

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon