3rd Person POV
"How did you know my name?" gulat na tanong nito.
"Isa... dalawa, tatlo.."
"T-tinatanong kita. P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Utal na sabi ni Aeron.
Balewala lang sa kaniya ang mga sinasabi ng lalaki, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbibilang.
"Wala akong panahong makipaglokohan at makipaglaro sa 'yo!"
At the count of ten, Aeron stayed in his position. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya na animo'y naging yelo ang buong katawan dahil sa nangyayari. Papasok na sana siya loob ng kotse, ngunit agad siyang napahinto dahil sa narinig mula sa taong kausap niya.
The person in front of him suddenly raised its head. Aeron's jaw dropped after seeing the familliar face, but he couldn't recall where he first saw it. "Ha? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo! Wala akong alam!"
"Tang'na! Ano ba talagang problema mo? Kahit anong sabihin mo, hindi ako susunod sa iyo!" dagdag pa ni Aeron.
"Sinusubukan mo 'ko? Hindi ka tatakbo? Bibilang ako hanggang tatlo. Kapag hindi ka pa tumakbo pagkatapos kong bumilang..."
"Ano! Anong gagawin mo?" paghahamon ni Aeron.
"You'll get killed," malamig na tugon nito.
"Pfft! Hahaha!" Pagtawa ni Aeron. "Baliw ka." Dagdag niya.
Seeing Aeron's reaction, the person in front of him decided to play with him first before executing their plan.
"Tatlo!!! Takbo!!!" Sigaw neto habang nanlilisik ang mata. Itinutok neto ang hawak niyang ice pick sa mukha ni Aeron kaya walang nagawa si Aeron kundi tumakbo.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Anong k-kasalanan ko sa iyo?!" asked Aeron, breathing heavily. Halos balutin ng pawis ang mukha nito habang nag-iisip kung saang direksyon pupunta, hanggang sa mapahinto siya sa isang madilim na sulok at piniling tumago sa ilalim ng lumang kotse.
Sa kabilang banda ay napapasipol siya habang hinahanap si Aeron. Habang pinaglalaruan ang dala netong ice pick. "Aeroonn. Nasaan ka na?" Mahinang tanong neto habang lumilinga sa paligid.
Napangisi naman ito ng makita ang isang pulang sapatos sa ilalim ng kotse. Agad niyang hinila ang paa ni Aeron upang makalabas ito sa ilalim ng kotse kung saan siya nagtatago.
"B-bitawan mo 'ko! Tulong!" sigaw ni Aeron habang nagpupumiglas.
"Yeah, that's it! Lakasan mo pa!"
"Tang'na! Anong bang kailangan mo sa akin?!"
"Ikaw. Yang buhay mo. Yang buhay mo ang kailangan ko." Nakangiting sabi neto.
Aeron gathered all his strength. Sinipa nito ang tuhod ng kaharap niya kaya sandali itong napabitaw sa kanya. Binilisan ni Aeron ang pagtakbo sabay sigaw at hingi ng tulong dahil umaasa siyang may makakarinig sa kaniya.
"Please.. maawa ka sa'kin," ani Aeron matapos siyang maabutan nito.
"Hmm... Maawa na sana ako sa'yo eh. Kasi pawis na pawis ka na. Kaso, Pasaway 'tong mga paa mo." Saad niya sabay tusok ng ice pick sa kaliwang paa neto.Napasigaw si Aeron sa sakit kaya mas lalo niya pang ibinaon ang ice pick sa paa neto.
Tumulo ang napakaraming dugo mula sa kaniyang paa at halos mamilipit ito sa sakit nang sinubukan niyang tumakbong muli habang patuloy na nagmamakaawa.
"Maawa? Why would I do that?"
"Ano bang dapat kong gawin para tantanan mo na 'kong hayop ka!"
"Bibilang ulit ako hanggang sampu. Kapag nakarating ka sa dilaw na linyang 'yon..."
Aeron raised his hand, "Gagawin ko!"
Aeron crawled as quickly as he could to the yellow line. He gathered all his strength because he believed that if he made it to the end, the person behind him would stop. Ginawa niya ang lahat upang mapabilis ang paglalakad, ngunit hindi pa niya nakakalahati ang hakbang papunta sa nasabing linya ay narinig niya na ang mga huling numero.
"Siyam....Sampu!" Sigaw niya tsaka nilapitan si Aeron. "Mission...Failed! Hahaha." Pang aasar neto tsaka itinutok ang ice pick sa leeg ni Aeron.
"Tigilan mo na 'to, pa.. parang awa mo na. N-nagmamakaawa ako s-sa.. iyo. Hirap na hirap na ako."
Tila nagbago ang mukha neto at biglang umamo matapos marinig ang sinabi ni Aeron. Mariin siyang tumayo at nagsalita. "S-sorry. P-pasensya na." Mahinang sabi neto tsaka umalis.

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
General FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...