GC 18

32.8K 1.6K 302
                                        

Zhavie: Luh? Pinagsasabi mo? Anong next ka diyan? What should I do at bakit ako?

13th: Because you're 20th lol

Zhavie: Ano naman ngayon?

11th: Dali na 20th, naghihintay kami oh HAHAHAHA

Zhavie: Ha? Anong gagawin ko?

6th: Duh? Of course yung mga ginagawa rin nila!

Zhavie: Luh? Ayoko nga! Matutulog na ako bye.

1st: Do it now, or else...

Zhavie: Or else ano?

1st: You have 10 minutes to do your task.

Zhavie: Hindi ko gets. Bahala ka nga diyan!

11th: 15th is back. Nakapagbanlaw ka na ba? Hehe.

15th: Ako na ba o si 20th na?

1st: I'm giving her 10 minutes, so ikaw muna. Are you ready?

15th sent a photo

Zhavie: Aray!

13th: Rap!

Zhavie: Seryoso ka???

Tatlong karayom ang sobrang lalim na nakatusok sa gitnang daliri niya, kaya't kita ko ang mala-kandilang pag-agos ng dugo mula sa kanyang kamay. Kaloka! Nababaliw na talaga sila!

15th: Ok na siguro yan 1st 'no? Satisfied ka na? Sayang tuloy yong mga pinamili kong dugo ng manok.

6th: Ba't ka kasi maliligo sa dugo ng manok kung hindi ka ba naman tanga.

1st: Good job, 15th!

1st: 20th, you're next. Are you ready?

Zhavie: Out na 'ko bye! Goodnight.

1st: Damn it!

Group Chat (GC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon