"Huh? Ano na nga ulit iyon?" tanong ko sa sarili habang inaalala iyong mga ni-review ko kagabi.
Maaga akong pumasok sa university dahil ayokong ma-late, pero bakit parang nagkaroon ako ng amnesia at hindi maalala iyong mga ni-review ko kagabi?
Aaminin kong mas nasa utak ko ang GC ngayon dahil na rin kay Aeron. At hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano nasama roon ang pinsan ko.
Speaking of Stacey, matagal ko na siyang hindi nakakausap. Iyong last message ko sa kanya hindi pa rin niya nababasa.
Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?
Hinanap ko agad ang pangalan niya sa Messenger ko, ngunit agad akong napakunot ng noo nang makitang hindi na ako makapagsend ng message sa kanya.
Napatigil ako sa paglalakad papuntang cafeteria nang ma-untog ang ulo ko sa dibdib ng isang lalaking matangkad. Hindi ko na napansin ang mukha niya lalo na ang paghingi ng tawad dahil sa pagmamadali.
Ibinalik ko ang tingin ko sa phone na hawak ko. Binlock ba ako ni Stacey o nag-deactivate siya? Natigil ako sa pagtingin ng conversation naming dalawa nang may biglang kumalabit sa akin.
"Ate! Ate! May nagpapa-abot po sa iyo nito," pagtawag ng isang babaeng nakasalamin.
"Salamat.. kanino galing 'to?" tanong ko sabay tingin sa kulay puting envelope.
Ano kaya 'to? Love letter?
"Hindi ko po alam, inabot lang sa 'kin at ibigay ko raw po sa inyo. Sige.. mauuna na ako may klase pa po ako," aniya sabay takbo. Sinubukan ko pa siyang tawaging muli, pero hindi na siya lumingon.
Hawak ko pa rin ang envelope nang makabalik ako sa nursing department. Wala pa ang professor namin kaya nasa labas pa ang mga ibang kaklase ko, halos sa kanila ay nagre-review.
Inayos ko muna ang dala kong project sa Comm health na kailangan kong i-pass sa second subject mamaya. Wala pa rin dito si Devon kaya muli akong nag-chat sa kaniya. Mabuti na lang at maaga akong pumasok kaya nagawa ko pa ring magreview ng notes.
Limang minuto na lang ang natitira bago mag-umpisa ang exam. Nasaan na kaya si Devon?
Checking my inbox, someone caught my attention. Hindi pa rin talaga sine-seen ni 3rd 'yong reply ko sa kaniya. Tss!
Napagdesisyunan kong buksan na lang 'yong puting envelope upang makita ang laman nito. Isang puting papel ang laman sa loob at may nakasulat na numero gamit ang pulang tinta.
7 15 15 4 12 21 3 11
- ☺
Matagal kong tinitigan ang nakasulat, pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong iyon. Sagot ba iyon sa exam namin mamaya o baka naman lucky numbers sa lotto?
Tinitigan kong mabuti ang ginamit na panulat, kung hindi ko pa inamoy 'yong papel baka mapagkamalan ko pang dugo dahil sa pulang tintang ginamit. Hanggang sa magulat ako nang may biglang tumabi sa akin, si Devon pala.
Mukhang napagod sa pag-akyat hanggang 5th floor. Umupo siya tabi ko at nakakunot ang noong tumingin sa sobreng hawak ko.
"Pft! Ano 'yan, Zhavie? Love letter?"
"O, buti naman nandito ka na. Hindi ko rin alam kung ano 'yan, e. Tignan mo 'yong nakasulat, hehe."
Hindi niya ako sinagot, binasa lang niya ang nakasulat sa papel at ibinalik ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...