Devon Movilla
Ha? what do you mean?Devon Movilla
Hindi ko gets, malolowbat na phone ko. Punta kana lang dito sa Mall sa tabi ng Frol Museum. Nasa supermarket area ako atm.Nagpalit kaagad ako ng suot at pumara ng bus papunta sa lugar na sinabi niya. Medyo nahirapan pa akong hanapin siya dahil sa dami ng tao.
"O, Zhavie! Tinakbo mo ata rito hanggang sa dorm, ah!" natawang sabi niya.
"Nakita mo ba iyong sinend ko? Ikaw ba may g-gamit ng account na 'yon?" agaran kong tanong.
"Huh? Paano mo naman nasabing ako?"
"Tignan mo 'tong photo na naka-mirror shot." Inabot ko kaagad sa kanya ang phone ko.
"Haha! Z-zhavie naman. You know naman diba na im not wearing ripped jeans. Tsaka mas payat yan sakin look at her body."
"E, ito? Ikaw ba 'yan?" Sunod kong ipinakita sa kaniya ang huling litratong ipinadala ni Esaelp Eid kung saan ko siya nakilala.
"Yeah that's me ang dali mo naman akong nakilala kahit may takip haha."
"Dahil sa kilay at mata mo. Pero bakit niya sinend 'yang picture mo? Talagang tinakpan pa, tss. Posible kayang magkakilala kayo?"
"Wait, Zhavie. Let me check it." Kinuha ko sa kaniya ang shopping cart, at ako muna ang nagtulak noon dahil abala siya sa paggamit ng phone ko.
"So ang unang sinend niya itong si kuyang wet look na long hair, natakpan din 'yong mukha except sa mata. Hmm... wrong photo? Pft! Pareho namang may takip lahat 'tong sinend niya!"
Nagkibit-balikat na lang ako dahil wala rin akong ideya. "E, paano naman 'yong mukha mo riyan, Devon?"
"Omg! Naalala ko na! But this photo was cropped. Group picture 'to, e. Ang tagal na nito, around 2 or 3 years na, during Vinassy's debut!"
"Huh? Sinong Vinassy?"
"My coffee friend haha. Nakilala ko kasi siya sa isang coffee shop." Sagot niya.
"Ah.. kaya siguro cropped 'tong picture kasi alam ni Esaelp Eid na magkakilala tayo, 'no? Pero ano ulit sabi mo? This was taken during Vinassy's birthday?"
"Yes, noong 18th birthday niya. Nagtaka nga ako ando'n yung pinsan mo eh."
"Ha? Sinong pinsan? Madami akong pinsan."
"Si Stacey. Hello? Siya lang naman ang kilala kong pinsan mo," she laughed.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya, ngunit mukhang hindi naman siya ang may hawak ng account na 'yon dahil sa mga paliwanag at reaksyon niya.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang biglang dumating ang kaibigan niya. May susunduin daw sila, kaya nagpaalam na si Devon nang matapos siyang magbayad. Dumiretso na lang ako sa meat section upang bumili ng lulutuin ko mamaya.
Hapon na nang makarating ako sa dorm. Inumpisahan ko kaagad ang pagluluto ng sinigang matapos i-switch ang TV. Hanggang sa mapatigil ako sa ginagawa nang makita ang nasa balita.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...