Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko kaya minabuti ko na lang sumakay agad ng jeep paglabas ko ng university. Sayang ang isang araw, pinalabas pa!
Nang makaupo ako, agad akong bumalik sa pakikipag-usap sa GC.
-σκοτώνω-
Zhavie: Ano 'yun?
Zhavie: 143?
11th: I love you.
Zhavie: Ha? Ba't ka nag a iloveyou sa'kin?
6th: Bobo. 143 means I love you.
Zhavie: Malay ko ba!
11th: 6th! Huwag ka ngang ganyan kay 20th.
11th: Hi 20th! Kamusta araw mo? Maganda rin ba tulad ng araw ko?
Zhavie: Hindi. Badtrip nga ako ngayon eh.
Bigla akong nakatanggap ng reply kay 3rd kaya binuksan ko kaagad ang message niya. Sana naman at mag-reply ng matino itong taong 'to.Alex Alex sent a message
Alex Alex
Where are you?Zhavie Fuentes
Pauwi na. Why?Alex Alex
I saw your chat sa GC. What happened?Zhavie Fuentes
Basta long story.Zhavie Fuentes
Bakit unexpected naman ata 'yung pag message mo sa akin? Anong meron? Lalo na sa chat mo kagabi na 'keep safe'Alex Alex
Take care, bye.Alex Alex went offline
Zhavie Fuentes
Ay walanju. Hindi na naman sinagot tanong ko -_-Devon is calling so I answered right away. Siya lang ata ang pwede kong makausap ng matino ngayon. Nagtanong lang siya kung nasaan na ako dahil gusto niyang dumaan ng dorm ko, sabay na raw kaming mag-lunch.
Siya na rin daw ang manlilibre ng pagkain kaya lalo akong sumang-ayon. Sino ba naman ang tatanggi sa libre, 'di ba?
Hinintay ko na lang siya sa convenience store malapit sa dorm upang sabay na kaming umakyat ng unit ko sa oras na makarating siya.
"Namiss ko 'tong unit mo," nakangiti niyang sabi nang makapasok kami sa loob. Humikab pa siya sabay bagsak ng katawan sa kama ko.
"Buti ka pa masaya," bulong ko sabay tanggal ng uniform.
"Ay sorry na. Oo nga pala, paano na iyon, zero ka na sa exam?" niyakap niya ang unan ko matapos magtanong.
Isinarado ko ang drawer bago humarap sa kaniya. "Ewan ko, kakausapin ko na lang siya bukas."
"Sino ba kasi nagbigay sa'yo ng envelope? Napagkamalan ka tuloy nangongopya. Nga pala, pahiram ako ng shirt mo. Sobrang pawis ako, e."
"Hindi ko kilala. Basta nakakaasar! Pinahamak pa ako," sagot ko sabay bukas ng cabinet ko.
She stood up and walked around, hanggang sa mapatigil siya nang makita iyong necklace na napulot ko malapit sa convenience store. "Naks! Ang ganda naman nito, ang unique tignan. Sa iyo ba 'to o binigay ng admirer mo? Ayie! Ikaw ha, mukhang may 'di ka sinasabi sa akin!"
Inabot ko sa kanya ang shirt ko bago sumagot, "Anong admirer ka riyan? Mukha bang mayroon ako niyan? Hindi akin 'yan, may nakahulog lang malapit diyan sa convenience store.
"Ay. Akala ko sa'yo. Letter V kasi hahaha! Parang ZhaV hahaha!" Aniya sabay suot ng hiniram niyang tshirt ko.
Ang ganda talaga ni Devon, sigurado akong hindi minadali ni Lord gawin siya. Mula sa morena niyang balat at shape ng katawan. Ang sexy, lakas maka-Miss Universe! Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ang mukha ko salamin. Kahit papaano may tiwala rin naman ako sa mukha ko, 'no. Siyempre mula ito sa mga magulang ko.
Maputi ang balat ko at matangos ang ilong dahil sa mother side ko, pero namana ko ang medyo pagkasingkit na mata sa father side. Sa usapang height naman, siyempre may ilalaban ako, pero sa katawan payat talaga ako at mukhang hindi na madadagdagan pa ang timbang ko kahit anong kainin ko. Pinakapaborito ko sa lahat ang mahabang buhok ko.
"Naiwan mo 'yung project mo sa room kanina. Kaya ako na ang nagpass." Saad ni Devon sabay upo.
"Ay, oo nga! Thank you," ngumiti ako. Lumabas ako upang ayusin ang lamesa at nagbukas ng mga lutong ulam na dala niya. Walang natirang kanin kanina, mabuti na lang at bumili siya.
Tahimik lang kaming kumain nang bigla siyang magsalita, "Kung hindi ka pala pinagbigyan ni sir bukas, regaluhan mo ng hair gel! Iyong pangpalago ng buhok. Malay mo, pagbigyan ka."
Nabilaukan ako sa sinabi niya kaya agad niya akong inabutan ng tubig. "Number nga, Devon. Dali!"
"Ha? Number? Bakit?"
"Nabilaukan ako e, dali!" I responded, still laughing.
"O, sige. Number 1." Agad na sagot niya.
"1? Letter A? Sino naman 'yung A? Wala akong kilalang A." Sambit ko.
"Malay ko, pero hindi ba't para iyon sa mga nakagat lang ang dila o labi?"
"Ay ayun! A? Aeron lang kilala ko eh. Tsaka wala na si Aeron. Ba't pa niya ako maaalala? Hala! Natatakot na ako. Ibang number nalang. Magbigay ka ulit." Utos ko.
"Hmmm.. sige 12 na lang."
"Letter L? Sinong L?" Tanong ko sa sarili ko.
"L? Lander?" Patanong na sagot ni Devon. "Hala Zhavie! Naalala ka ni Lander hahaha!"
Wala akong nagawa kundi kiligin na lang at pigilin ang sigaw. Hanggang sa napatigil sa pagtawa si Devon kaya napatigil rin ako at nagtanong.
"Devon, ayos ka lang?"
"Nasaan na 'yong envelope k-kanina?" tarantang tanong niya. "Iyong papel na may numbers?"
"Ha? Bakit? Teka, nasa bulsa ng palda ko."
"Dalhin mo rito dahil may ideya ako. Kumuha ka na rin ng papel at ballpen."
"Ha? O, sige," sagot ko kahit hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang naging interesado roon. Patakbo akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng papel saka ballpen.
Tahimik lang si Devon habang nagbibilang at nagsusulat ng mga letra. Wala akong ideya kung saan patungo ang ginagawa niya kaya pinanood ko na lang siya.
"Wtf? Ba't ka niya Ginugoodluck?" Pagsasalita niya.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Novela JuvenilWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...