GC 93

3.4K 151 358
                                    


"10th! Puno na baso mo." Bumalik na lang ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Jelo. Tang*na! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Clydeur nga ang posibleng pumasok sa dorm ni Zhavie.

"How many times do I have to tell you not to use that lighter in front of me, man? Alam mong ayokong nakikita 'yan," Blaster said sharply.

"My bad, my bad." Agad namang itinago ito ni Clydeur sa bulsa.

Muling kumunot ang noo ko. Anong mayroon sa lighter at ganoon na lang ang naging reaksyon ni kumpadre? Marami akong gustong itanong, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Ayoko ring magduda si Clydeur dahil kung sa kanya nga ang napulot ko sa dorm ni Zhavie, alam kong napansin na niyang nawawala iyon.

Red Red:
Hoy! Naalala mo yung sinabi ko nung nasa rooftop tayo ng SKT? May ganyang lighter din si head admin ibang deck card lang ang design

Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.

Rex Rex:
oo nga pero tangina mas gulat ako na kapareho ng lighter ni Clydeur yung nakita ko sa dorm! clubs e, may ganitong ♣ design din!

Red Red:
Tanungin mo kaya bro kung anong meron sa lighter?

Sandali akong napatingin kay Rederan at mabilis na itinago ang phone ko.

"Kumpadre, 'di ba may ganyan ka ring lighter noon? Ibang design nga lang, hehe."

Agad naman na tumango si Blaster. Napalunok ako, medyo kinakabahan, dahil hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin. Hanggang sa biglang magsalita si Rederan nang mapansin niya na kailangan ko ng tulong.

"Bakit hindi mo na ginagamit? Angas pa naman nun, ano na nga uli card design nung sa iyo, head admin?"

Our eyes met briefly, and I silently thanked him for backing me up. Habang si Axiel naman, mukhang walang ideya sa lighter at bago lamang sa pandinig niya iyon.

Blaster leaned back on the couch and nodded. "Mine had a Knave design from the card deck. It represented my position in the group."

"Position? Ibang position ang alam ko," natawang banggit ni Jelo. "Pero seryoso, paanong hindi namin alam na may position ka palang ganyan sa first batch?"

"Hindi naman na kasi importante 'yon, 8th. We're not with them, and they're not with us," sagot niya.

"The lighter's design I used earlier is one of the suits, the club card which also represent a unit that I handle," Clydeur added. "Blaster owns a design from one of the three face cards, specifically the Knave. Maiintindihan niyo kung pamilyar kayo sa iba't ibang impormasyon ng mga braha."

"Kuha ko punto mo. Suki kaya ako sa mga sugal tuwing may lamay sa amin noon," natawa kong tugon. "Teka, ibig sabihin sa iyo 'yong lighter kanina na hawak mo?"

"Yes, some of the members from the first batch of Skotóno own a lighter with different card designs."

Sunod-sunod na mura ang pumasok sa isip ko matapos ko makumpirma iyon. Anak ng! Kaya wala akong tiwala sa lalaking 'to, e! Anong pakay niya kay Zhavie at bakit siya pumasok sa dorm? Kung hindi man siya 'yong pekeng pizza delivery guy, posibleng nagawa niyang pumasok roon habang wala si Zhavie at nahulog ang lighter.

"Man, nabanggit mo na ba sa exclusive members kung saan nagmula ang mga nickname nila?" tanong ni Clydeur kay kumpadre.

"You know the answer to that, Clydeur."

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon