GC 97

2.4K 141 388
                                    

Author's Note:
Votes and comments are highly appreciated!

3rd Person POV

"B-BLASTER? N-NO, TREJAN! HUWAG!"

Nagising si Vinassy mula sa isang panaginip, humihingal at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Matagal na mula nang huli siyang nagkaroon ng ganitong panaginip, pero ngayon, bumabalik na naman ang mga ito. Simula nang muli silang magkita ni Blaster noong gabing iyon sa columbarium kung saan nakalagak kanyang pekeng abo, hindi na siya mapakali. Ang kanilang unang pagkikita matapos ang maraming taon ay tuluyang bumaligtad sa kanyang mundo.

Sa mga nagdaang taon, nanatiling malayo ang babae sa anumang balita tungkol kay Blaster kaya't hindi siya kailanman naging handa kanilang muling pagkikita nila. Ngunit dahil na rin sa kalasingan ng lalaki noong gabing iyon, napagkamalan pa siya nitong multo—isang bagay na ipinagpasalamat ni Vinassy.

Hindi rin maitatanggi ng babae ang posibilidad na si Blaster ang naging dahilan kung bakit siya pumunta sa TZ Club noong malaman niyang magkikita sila ni Clydeur doon.

"Alam mong kikitain ko sina Blaster. Gusto mo ba siyang makita? Kaya ka pumunta roon, tama?" 

"Hindi... hindi gano'n." Agad itong nag-iwas ng tingin.

"Then why were you there?!"

"I don't know. I just... I just ended up there," halos pabulong na sagot nito.

Nagawa niyang iwasan si Blaster sa mga nagdaang taon. Ngunit ngayon, tila pinagtataksilan siya ng kanyang sariling puso.

Pinili na lang muna nitong mag-focus sa ibang bagay at nagtungo sa kanyang maliit na opisina. She sat in her read crimson swivel chair and picked up the gun on the table—a gift from Clydeur.

Ngunit hindi pa niya kailanman iyon ginamit sa sinuman.

The reason is, gusto niyang si Lander ang unang matamaan o makalunok ng mga bala nito.

Sunod na napatingin si Vinassy sa mga patong-patong na folder na nasa mesa. Sa loob ng walong buwan, wala siyang ginawa kundi pag-aralan ang mga ulat na nakalap nilang dalawa ni Clydeur tungkol sa kanilang target at iba pa. Ngunit may dalawang folder pa itong hindi pa binubuksan dahil natatakot siya sa kung anong damdamin ang maaaring magising kung mabasa niya ang mga iyon.

Those were the reports about Blaster Trejan Pheorez and his brother, Vincent Arcelles.

The memories tied with those names were too painful to bear, and she refused to let them consume her. She had to focus on her plans and not let herself be overwhelmed by sadness or longing.

Pinili niyang buksan muli ang mga folder kung saan nakalagay ang bawat detalye at pangyayari sa mga kaibigan ni Lander na kabilang sa nangyari noong gabing 'yon. She then scanned the profiles of JM, Jean, Jerik, and Clint.

A cold smile formed on her lips. She already managed to ruin them—financially, socially, and emotionally. But killing them was never her plan. She wanted them to suffer, to feel the consequences of what they had done to her that night.

"Ma'am, nandito na si Clydeur!" sigaw ng isang boses mula sa labas.

Agad lumabas si Vinassy upang salubungin si Clydeur. Hanggang sa magulat siya nang bumungad sa kanya ang isang walang malay na babae, ang mga kamay at paa ay parehong mahigpit na nakagapos sa upuan.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon