GC 59

32.2K 1.3K 2.6K
                                        

"Sobrang daming tao, saan tayo uupo?" bulong ko kay Devon nang makarating kami sa university gym.

"Ayun! Sa puwesto nina Lei." Nasa pangatlong bench sila kaya agad kaming lumapit. Hindi ko gaanong ka-close sina Lei dahil galing sila ng ibang department pero malapit sila kay Devon. Nagkakilala lang kami dahil nakasama ko sila sa isang camping last year.

"Guys! Hi!" bati ni Devon sa kanila.

"Hello rin sa inyo," ngumiti ako sabay upo sa tabi ni Devon.

"Ang tagal mag start ng game, sana manalo team nina Joshua. Go sweety!" sigaw ni Graxie.

"Sino bang kalaban nila? White Castle?" tanong ko dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niyang 'sweety', iyong boyfriend niya sa kabilang team. I'm also expecting Lander's team dahil apat na grupo raw ang maglalaro ngayon.

"Oo, ata?" sagot naman ni Lei, iyong babaeng nasa tabi ni Graxie.

"Yes! Yuhoho! Go white castle! Mine, Lander!" I shouted with excitement.

"Hindi lahat ng member maglalaro, damay na 'yang Lander mo. Nakita ko siyang magmamadaling umalis kanina kasi late na akong pumasok," si Graxie. Ewan ko kung tinatarayan niya ako o ganito lang talaga siyang magsalita. Parang ang laki tuloy ng kasalanan ko, huhu.

Natigil kaming lahat nang magsilabasan ang mga basketball player. Napuno nang hiyawan ang loob, iba't ibang team rin ang sinisigaw ng mga nanunuod. Hinanap ko kaagad si Lander, pero mukhang totoo ngang hindi siya kasama. Bakit kaya? Siya pa naman ang team Captain nila.

May isang babaeng lumapit sa amin at sinenyasan si Devon na umusog ng kaunti upang matabihan niya sina Lei. Nakilala ko kaagad kung sino siya. Si Reign, ang ex ni Lander.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na dati na selos na selos ako sa kanilang dalawa tuwing magkasama sila.

"Hey girls," bati ni Reign sa amin. "Akala ko late na ako, pft!"

"Wala dito 'yong susuportahan mo, mukhang hindi maglalaro," ani Lei.

"David is here. Mukha iba ata nasa isip mong susuportahan ko. E, ikaw? Are you here to support JM?" nanunuksong tanong ni Reign na ikinamula ng mukha ni Lei.

Wait, what? Si JM? As in 'yong kasama sa team ni Lander?

"Hindi, ah. Sinamahan ko lang si Graxie para suportahan boyfriend niya."

"Duh? Bakit ako? Ikaw nga excited diyan para makitang maglaro 'yang manliligaw mong si JM!" Graxie exclaimed.

Umirap na lang si Lei sa panlalaglag sa kanya kaya natawa kaming lahat. Bakit kaya nadamay si JM? Don't tell me nililigawan talaga siya ng lalaking 'yon? Edi magkumare na kaming dalawa dahil friends sila ni Lander?

"Lei, Nililigawan ka ba talaga ni JM?" bulong ko. Nahiya naman siyang tumango.

"Talaga!? Sagutin mo na, pogi naman si JM, mayaman, at mabait pa. Bagay kayo," ngumiti ako, nanunukso.

"Hindi ko alam, may part sa akin na gusto ko na siyang sagutin dahil mabait naman talaga siya, sadyang may pagkaloko lang pero na-iintriga ulit ako sa issue na 'yon, e."

"Huh? Anong issue?" Tanong ko.

"Hmm, don't tell me Lei 'yang tinutukoy mong issue eh 'yung..." pinutol naman kaagad ni Lei sa pagsasalita si Graxie at agad na nagsalita.

"Yeah, tama ka. Parang ano kasi, I'm not safe with him tuwing naaalala ko 'yon."

Hearing that, Devon rolled her eyes, "Ang tagal na noon, Lei. It was only a rumor. That stupid is a bitch. Pwede siyang manira hanggang gusto niya. Hanggang ngayon wala pa ring ebidensyang lumalabas kung totoo man 'yun o hindi."

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon