3rd Person POV
Patuloy na nanlaki ang mga mata ni Zhavie habang pinapanuod ang nangyayari sa dahilang hindi pa rin siya makapaniwalang nasa parehong lugar na sila ni Rhea kasama ang lalaking wala siyang ideya kung sino — lalo na kung anong relasyon nito sa kaibigan.
"What the hell 6th! Let her go!" Sigaw ni Axiel.
"Yna!!! Potang ina mo talaga! Bitawan mo ang kaibigan ko!" Sigaw rin ni Rhea.
"Sige! Lumapit kayo! Hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ulo ng babaeng 'to. What are you doing here, Axiel?!"
"I'm here to save her. And to f*cking kill you, Yna Deroza."
"A-axiel?" Mahinang sabi ni Zhavie tsaka tumitig kay Axiel. "Si A-axiel ka? Ang...pogi." nakangangang sabi neto habang nakatingin kay Axiel.
Lalo pang hinigpitan ni Yna ang paghawak niya sa buhok ni Zhavie at nagsalita. "Ang landi mo talaga!"
"Aray! Ang sakit na, ha! May balak ka bang tanggalin 'tong buhok ko?! At hoy, 6th! Ikaw pala yan! Hindi ako malandi! Porke sinabi ko lang na pogi si Axiel landi agad? Totoo naman na pogi siya, eh."
"Thanks, Zhav." Sambit ni Axiel tsaka pinipigilang ngumiti.
"Welcome Admin hihi." Saad ni Zhavie habang nakatitig pa rin kay Axiel.
"At talagang dito niyo pa naisip maglandian?" Inis na sabi ni Yna.
"Tang'na? Nagawa pang magharotan ng dalawang 'to," bulong ni Rhea sa sarili.
Napasigaw si Zhavie nang higpitan pa lalo ni Yna ang hawak nito sa buhok niya. "Walang hiya ka, Yna! Kapag ako talaga nakatakas dito kawawa ka sa'kin. Matitikman mo ang bawi ng isang api! Kanina ka pa sa buhok ko, ah!"
"Sige! Lumapit ka, Axiel! Papasabugin ko talaga bungo ng babaeng 'to!" ani Yna nang makita ang dahan-dahang paglapit ng lalaki sa pwesto nila.
Zhavie locked her gaze on Axiel for a few seconds. Hindi pa rin niya malaman kung bakit kasama si Axiel sa gustong magligtas sa kanya, lalo na't hindi naman sila malapit sa isa't isa.
"6th, why the f*ck are you doing this?!" Axiel shouted in disbelief.
"Because I wanted to find and kill Stacey! I used 20th para lumabas si 18th sa lungga niya pero nagmamatigas pa rin!"
"Kaya ako ang inutusan mong humanap at pumatay kay Stacey?" Rhea laughed sarcasticly. She was on the verge of exploding with rage, but she resisted the urge to attack.
"Aray huhu! Sige sapak pa! Kapag ako talaga nakatakas dito sinasabi ko sa'yo di pa magaling ulo ko tapos sinasapak mo! Kapag ako talaga nabobo lalo ha! Anong gagawin mo!" Sigaw ni Zhavie pero bigla ulit siyang sinapak ni Yna.
Axiel clenched his fists and sighed deeply as he saw what Yna had done to Zhavie. Agad naman sumigaw si Rhea upang magbigay ng signal, "Ezaaaang!"
"B-bakit?" tanong ni 20th nang marinig ang palayaw niya. Wala siyang ideya na iyon ang signal na napag-usapan nilang apat sa oras na may nakahanap kay Zhavie. Muli sumigaw ng sobrang lakas si Rhea upang marinig nina Blaster at Rexord na kasalukuyan nang papunta sa direksyon nila.
Nasaan na ba sila?!" Rhea lowered her voice as she scanned the whole place.
"Yna. If you don't want me to kill you, let her go. I'm warning you. Kahit papano naging magkaibigan tayo."
"Yun nga eh! Magkaibigan tayo. Pero bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin ako?! Mahirap ba akong mahalin?! Ako naman yung laging nandito kahit noong mga highschool pa tayo. Pero bakit?!"
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series #1)
Mystery / ThrillerGroup Chat tells the story of Zhavie Fuentes, a girl who was living a mundane life until she was added to a mysterious group chat named σκοτώνω. Little did she know that becoming a member would change the course of her entire life. ARE YOU READY TO...
