Napatigil ako sa pag-inom ng hawak kong iced coffee dahil sa sinabing pangalan ng babaeng nasa harapan ko. She said her name's Vinassy, ewan ko kung bakit 'yong babaeng ex ni Blaster kaagad ang biglang pumasok sa isip ko.Awkward akong tumango habang kagat ang straw, hindi maalis ang mga mata ko sa kanya. Paano kung siya nga ang ex ni Blaster? Pero paanong buhay pa siya? Hindi siguro multo itong kaharap ko, 'di ba?
"Pft! Matunaw ako niyan, ha."
"Kasi naman, sobrang ganda mo," sagot ko bilang rason, pero totoo namang napakaganda niya. Hindi ko rin masisisi si Blaster kung bakit in love na in love siya kay 5th, kung sakaling siya nga si Vinassy.
"Ikaw din naman, you look cute and pretty," she said, smiling.
Agad akong nahiya sa compliment niya. Hindi ako sanay marinig 'yon, lalo na sa taong kakikilala ko lang. Hindi tulad niya na sigurado akong pinupuri siya ng mga tao kahit saan siya magpunta.
Naputol ang usapan namin nang tumunog ang phone niya. Agad siyang nagtipa ng reply, pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Her eyes reminded me of someone.
Kung siya nga si Vinassy, ibig sabihin siya rin ang kapatid ni Vince. Hindi sila gaanong magkamukha, pero may pagkakahawig ang mga mata nila. Sa tagal ng mga titig ko, roon ko lang napansin ang pagkakahawig nila.
Gusto kong itanong ang apelyido niya, pero baka isipin niyang weird ako. Sino ba naman kasing tao ang biglang magtatanong ng apelyido sa kakikilala lang? Lalo na sa ganitong sitwasyon.
Bahagyang umangat ang suot niyang black sheer blouse kaya tumambad ang mga peklat mula sa laslas sa kanyang pulsuhan. My expression darkened as I remembered what happened to Vinassy—the nightmare she went through.
Kung totoo ang sinabi sa akin noon ni Stacey, sigurado akong sobrang hirap ang dinanas ni 5th. Pero kung buhay siya, bakit sinabing nagpakamatay siya? Gusto kong malaman ang lahat dahil kung totoong nag-su*cide siya, kaninong katawan ang sinasabi nilang wala na?
My phone suddenly rang. Nakapatong lang ito sa mesa, kaya kita ko agad na si Rexord ang tumatawag. Napatingin din si Vinassy doon, at ilang segundo niyang tinitigan ang screen.
"Bakit? Nasa coffee shop ako, Rexord," sagot ko, sinadya kong idiin ang pangalan niya para makita ang reaksyon ni Vinassy dahil 'Rex Rex' lang ang nakalagay sa screen.
[Send mo ang location mo. May sasabihin ako sa 'yo, importante. Don't worry, hindi ko kasama 'yong magpinsan.]
After the call ended, I immediately sent my location. Ano kaya ang sasabihin niya? Bigla tuloy akong kinabahan.
"Is everything okay?" may pag-aalalang tanong ni Vinassy.
"Oo, hehe."
"Hmm. Your necklace. Ang ganda," dagdag niya habang bahagyang itinuro ito.
Alam kong napapansin ng marami ang kwintas na ito, kahit ang mga kaklase ko. Pero iba ang paraan niya nang purihin ito. Her tone carried a weight, a kind of emotion that made me swallow nervously before replying.
"Oo, ang dami ngang nakakapansin. Ang maganda pa rito, custom-made siya, kaya wala nang ibang may ganitong kwintas."
Huminga ako nang malalim bago magpatuloy. Gusto kong banggitin ang pangalan ni 11th dahil siya ang gumawa ng kwintas na ito. Maybe if I said his name, makukumpirma ko kung si Vinassy ba talaga siya. There will be a risk, pero alam kong may dahilan kung bakit bigla niya akong nilapitan.
"Ang galing nga ni Vince gumawa, e. Napaka-artistic niya," nakangiti kong sabi.
There was no change in her facial expression, but I noticed how her hand suddenly fidgeted. Bilang student nurse, we were trained to observe subtle changes, especially in people's non-verbal cues, kaya hindi ko naiwasang mapansin 'yon, lalo na't target ko talagang makita ang magiging reaksyon niya.

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Ficción GeneralWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...