3rd Person POV
A few days later...
The woman cried inside an abandoned place. "F*ck! Please, pakawalan mo 'ko rito!"
"Bakit naman kita papakawalan, Lexxa?" Nakangising sabi neto. Ngunit hindi nakita ng pang labing limang miyembro ng GC ang pagngisi neto dahil may suot itong itim na mask. At itim na sumbrero.
"Ano bang dapat gawin ko? Sino ka ba talaga?!" Lexxa tried everything she could to see the face of the person she was talking to.
The person smiled at her. "Simple lang, Lexxa. Sumagot ka sa mga tanong ko dahil ako ang tatapos sa buhay mo sa oras na hindi mo sinabi ang totoo!"
"Shit! Bakit ako?" halos maluha nitong tanong.
"Because you were also involved in that issue! Alam kong isa ka sa mga dahilan! Do you see these darts? Five darts, one for each letter of your name. Ibabaon ko 'tong lahat sa katawan mo kung hindi ka nagsabi ng totoo, Lexxa!" the person exclaimed.
Bumilis naman ang kabog ng dibdib ni Lexxa dahil sa narinig niya. "P-paano mo ba ako nakilala? Wala akong alam sa kanya. Sinama lang ako. Sinama lang ako nung isa sa GC member ko--Teka! GC member ka ba? Bakit alam mo 'yung pangyayareng 'yun? Sino ka? Pang ilan ka? P-pero umalis na ako sa GC na 'yun."
The person laughed. "Pft! Why did you leave? Kasi nakokosensya ka, 'di ba? Nakokonsensya ka sa ginawa mo!"
"Hindi. N-natakot ako. Sobrang natatakot ako. May isang dummy account na nag send ng message sa'kin. Yung Esaelp Eid ba 'yun? T-tsaka lagi akong nakakatanggap ng death threats. Marami kami. Marami kaming nakakatanggap. P-pero gc member ka ba? Ikaw ba ang nagpapadala ng mga 'yun? Ikaw ba si Esaelp Eid?"
"Hindi." mahinang sagot neto tsaka tumawa ng malakas.
"Shit! Saang sagot 'yang hindi? Hindi lang iisa ang tinanong ko!" Lexxa yelled in frustration.
"Alam mo, hindi ako magaling maglaro ng dart. Kaya hindi ko masisiguradong mapapatay kita gamit ang limang dart na 'to. Hmm, siguro sa ibang paraan na lang kita papatayi- Aw. Shit!" Pag aray neto dahil natusok ang daliri niya dahil sa tulis ng dart na hawak niya.
"Buti nga sa'yo." Pataray na sabi ni Lexxa at patagong tumawa.
A smile crept across the person's face. Nang lalong lumakas ang tawa ni Lexxa, inilapit ng taong nasa harapan niya ang upuan sa babae habang hawak ang darts.
"Pft! Relax! Ganda mong umiyak, e. Wala pang makeup iyan, ha? Ayos!"
"Lumayo ka sa'kin!" Sigaw neto habang umiiyak "Walang hiya ka!"
"Kahit sumigaw ka ng napakalakas walang makakarinig sa'yo. At oo wala talaga akong hiya. Matagal na. Since birth. Hahaha!" Pagtawa neto na para bang baliw. "Oh, teka. Teka lang! Mukhang kulang yang nasa pisngi mo." Saad niya tsaka pinisil ang hinlalaki neto upang lalo pang lumabas ang dugo at ipinahid sa pisngi ni Lexxa ang dugo. "Ayan. Lalo kang gumanda. You're so f*cking precious... When you're crying, Lexxa." Pang aasar neto tsaka humagalpak ng tawa.
Lexxa averted her face from the person in front of her. "Get away from me! Gag* ka! Pakawalan mo ako!"
Binalewala niya ang pakiusap ng babae at pasipol-sipol na binuhat ang upuan upang bumalik sa orihinal na pwesto nito. Lalo pang lumakas ang sigaw ng babae dahil sa inis.
"Pababa na ang araw, Lexxa. Gusto mo na rin bang ibaba kita riyan? Mukhang nangangawit na rin 'yang mga kamay at paa mo. Just tell me the reason," malambing na tanong nito.
"Reason of what?" naguguluhang tanong ni Lexxa.
"Yung rason kung bakit siya namatay. Alam mo kung ano at sino ang tinutukoy ko kanina ko pa sinasabi sa'yo."
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...