"Lord, kailan ba ako magkakaroon ng sapat na tulog?" saad ko habang nakatingala sa langit.
Halos tatlong oras lang ang tulog ko. Madaling araw na kasi ako natapos sa pagre-review, mabuti na lang at half day ulit kami ngayon. Masama rin ang umaga ko dahil sa Axiel na 'yan. Sobrang paasa! Akala ko pa naman ang bait na niya. Himala na lang talaga kung bumait siya!
Dumiretso agad ako sa professor na napagkamalan akong nangodigo para humingi ng pagkakataong makapag-exam ulit. Naabutan ko siyang nagkakape habang naghihintay sa room para sa susunod niyang klase, kaya agad akong nagbigay-galang.
"Good morning, sir!" nakangiting bati ko.
Malalim niya akong pinasadahan ng tingin. "What can I do for you, Ms. Fuentes?"
"Puwede ho bang magretake ng exam? Here's my formal letter, sir. Kasi hindi naman po talaga ako—" pinutol niya kaagad ako sa pagsasalita.
"Ok. Pagbibigyan kita, pero sa isang kondisyon." Aniya tsaka ako tinignan pataas pababa. Jusko! Kinakabahan ako. Ang lagkit ng tingin niya.
"A-ano po 'yon?" napalunok ako.
"Hmmm."
"Ano po?"
"Maglinis ka ng CR sa 2nd floor. Sa girls cr at boys cr mamaya after exam mo sa ibang subject. Pag tapos ka ng maglinis tsaka kita papayagang mag exam sa'kin ulit."
Sagot niya. Akala ko pa naman kung ano na! Nakalimutan ko bakla nga pala 'tong panot na 'to.Tumango siya nang kumpirmahin kong sa CA building ako pupunta dahil nandoon ang office niya. Nais ko sanang itanong kung bakit pati boys' CR ang lilinisan ko, pero naisip kong kaunti lang naman ang pumupunta sa building na 'yon at isasara ko naman ang pinto, kaya binalewala ko na lang. Madali kong nalinis ang girls' CR dahil hindi ito gaanong marumi, kaya dumiretso na ako sa panglalaki.
Nagulat ako nang may high school student na sumulpot sa gilid ng pinto, nakangisi na para bang may iniisip na masama. "Naks! Biglang may chicks sa harapan ko. Tara, miss?"
"Gusto mo ihampas ko sa'yo tong mop na hawak ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hey kiddo! Shut up. Matuto ka ngang gumalang. She's your senior." Saad ng isang lalaking kalalabas lang sa cubicle.
"L-lander?" Mahinang sabi ko. Hindi naman niya ako sinagot at tinignan yung highschool na nagsalita kanina.
"Fuck off, kiddo!" sigaw ni Lander kaya napatakbo sa takot palabas 'yong lalaki.
"Thank you, Lander," kumento ko.
"What the hell are you doing here, Fuentes?"
Ikinwento ko na lang sa kaniya ang totoo. Nakakahiya tuloy! Ang daming estudyante sa campus, bakit siya pa ang narito?
"Oh, i see. Do you want me to help you?" Tanong niya.
"Ha? H-huwag na, kaya ko na. Wala namang nang papasok dahil isasara ko na 'tong pinto."
"Tulungan na kita. Baka bastusin ka ulit dito." Aniya tsaka kinuha ang mop na hawak ko.
"Ok lang talaga, Lander. Wag mo na akong tulungan baka may klase ka pa."
"Mamayang 12 pa next class ko." Aniya. Pinilit ko namang kunin sa kaniya ang mop na hawak niya. Pero agad niya itong hinila. "Ano ba! Ok nga lang na tulungan kita diba!" Sigaw niya.
Napatahimik naman ako dahil sa pag sigaw niya. "S-sorry." Mahina niyang sabi.
Sa huli, wala akong nagawa kundi tanggapin ang tulong niya. Pagkatapos namin, dumiretso agad ako sa office ni sir upang mag-retake ng exam. Hindi pa rin mapigilan ang ngiti ko habang papasok sa loob dahil sa naging interaksyon namin ni Lander.
"Oh, Ms Fuentes. Napapangiti ha? Madami ka bang nasilipan?" Pagtawa ni prof.
"Ha? Ano po ang ibig sabihin niyo, sir?" I asked awkwardly.
"I'm just kidding. You can retake your exam," sabi niya, sabay senyas sa isang babae sa faculty para bantayan ako. Nagtataka pa rin ako dahil kilala siyang strikto at bihirang magbigay ng second chance, lalo na sa ganitong sitwasyon. Ano kayang dahilan at pinagbigyan niya agad ako? Well baka na-realize niya na hindi talaga 'yon kodigo!
I felt completely drained after finishing my exam. Dumiretso muna ako sa isang coffee shop malapit sa dorm bago umuwi. Napatingin ako sa malaking salamin sa loob at napapadyak sa inis—ang lalim na pala ng eyebags ko. Kaloka! Mukhang ang haggard kong humarap kay Lander kanina.
Pinili ko munang manatili sa loob at sumimsim ng malamig na kape. Halos makalahati ko na ito nang bigla akong mapatigil dahil sa biglang pag-chat ni 3rd.
Alex Alex
Is this me?Alex Alex
Why am i saying these things to you?Alex Alex
The heck!Alex Alex
Baliw na ba ako?Zhavie Fuentes
wow himala. Napachat pero hindi sure kung siya ba yan.Zhavie Fuentes
masarap ba iseen ang chat ko ha?√Seen11:43am
Zhavie Fuentes
wow seen nanaman!Zhavie Fuentes
hoy 3rd. Gaguhan lang ganun?Alex Alex
Stop chatting me.Zhavie Fuentes
Excuse you? Ikaw kaya ang unang nagchat sa akin. Nagreply lang ako. Basahin mo yung mga dating chat natin.Zhavie Fuentes
para naman magising ka sa katotohanan.Alex Alex
i said, stop chatting me.Alex Alex
hindi ka ba marunong umintindi?Zhavie Fuentes
Ba't mo ko pinapatigil?Zhavie Fuentes
ha! Ano. Sagot!Alex Alex
Because i dont want to talk with you.Zhavie Fuentes
namo!Alex Alex
Namo?Zhavie Fuentes
Namo = pangit mo.Alex Alex
Lol. Im handosme, pogi ako.Zhavie Fuentes
oo handsome ka. Handsama!Alex Alex
ha ha. FunnyZhavie Fuentes
Gigil mo si ako 3rd! akala ko pa naman kung magiging maganda na ang araw ko dahil kay Lander. Pero umepal ka pa.Alex Alex
Lander?Zhavie Fuentes
oo yung crush ko.Zhavie Fuentes
Mas pogi yun sayo. Pangit ka kasi.Alex Alex
Really?Alex Alex
k. Dont talk to me.Alex Alex
Block me if you want.Zhavie Fuentes
Uutusan mo pa ako?Zhavie Fuentes
Eh hindi nga kita friend.√Seen11:47am
Zhavie Fuentes
Hoy sagot.Zhavie Fuentes
Wag kang seen. Pogi ka ba?Zhavie Fuentes
Di ka pogi kaya wag mo 'ko seen.√Seen11:48am
Zhavie Fuentes
hoy!!!!!!Zhavie Fuentes
Namo!Alex Alex
Mas namo ka.Zhavie Fuentes
ay! Bastos! -.-Alex Alex went offline
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Roman pour AdolescentsWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...